Advertisers
INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroon nang mga nakahandang abogado para sa 17 Pilipinong nakakulong sa Qatar kung sakaling kasuhan ang mga ito.
Gayunman, ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, na maaaring mapakawalan na ang mga inarestong Pilipino maliban sa organizer ng sinasabing iligal na rally.
Hinihintay na lamang aniya na matapos ang police investigation bago pagdesisyunan kung pakakawalan or sampahan ng kaso ang mga ito.
Binigyan-diin din ng opisyal na bagama’t iligal sa nasabing bansa ang kahit anong political rally, hindi naman nanggulo ang mga inaresto at nagtitipon lamang ang mga ito ng nakasuot ng Duterte shirts.