Advertisers
Laro sa Huwebes
(Smart Araneta Coliseum)
4 p.m. – Akari
vs Petro Gazz
6:30 p.m. – Choco Mucho vs Creamline
PUNTIRYA ng Petro Gazz na makabalik sa finals kapag nakaharap ang mapanganib na Akari side dito sa crucial semifinal tiff ngayon Huwebes, Abril 3, sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Smart Araneta Coliseum.
Ang laban ay nakatakda alas 4 ng hapon layunin ng Angels na ma sweep ang kanilang semifinals assignments para sa spot sa championship round na kanilang huling natikman noong 2023 First All-Filipino Conference.
Mataas ang morale ng Petro Gazz matapos makaligtas sa 24-26, 25-18, 25-17, 27-25 wagi laban sa Choco Mucho nakaraang Martes, Abril 1,.
“Akari is a strong team,” Wika ni Tsuzurabara, na ang kanilang stalwarts ay kumuha ng lakas matapos ang kanilang four-set win laban sa multi-titled defending champion Creamline nakaraang araw.
Brooke Van Sickle mananateling pamato ng Petro Gazz sa kanyang impresibo at pare-pareho na numero kabilang ang rare triple-double performance na 17 points,12 digs at 33 receptions laban sa Choco Mucho.
Inaasahan rin magbibigay ayuda ay sina Myla Pablo, Chie Saet, at MJ Phillips.
“I always try my hardest to involve everyone, not to put too much pressure on the setters and to create good scoring opportunities,” Wika ni Van Sickle.
Pero ang Akari ay may sariling arsenal tulad ni Eli Soyud, Faith Nisperos at Ced Domingo.
Ang trio ay may pinagsamang 59 points— kabilang ang 34 mula kay Soyud palang—sa kanilang five set triumph laban sa Choco Mucho nakaraang araw.