Advertisers

Advertisers

SPORTS AT SHOWBIZ POLITICIANS SA GOOD GOVERNANCE

0 16

Advertisers

MASASABI nga bang ‘retiring avenue’ ng Sports at Showbiz personalities ang pulitika kung marami na rin sa kanila ang pumili na maging fallback ang posisyon sa public service?

Mula sa barangay level hanggang pinakamataas na posisyon, nakita ang lakas ng celebrity background nang naging pangulo ng bansa si action star JOSEPH EJERCITO ESTRADA at naging presidential aspirant naman si demised King of Philippine Movies FERNANDO POE, JR. Naging senador sina caging icons FREDDIE WEBB at ROBERT JAWORSKI plus Boxing legend MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO. Current senator si showbiz bad boy ROBIN PADILLA na sumunod kina Sen. LITO LAPID, TITO SOTTO, JINGGOY ESTRADA at JAYVEE EJERCITO. Congresswoman si former Lipa Mayor VILMA SANTOS na naging Batangas Governor. Vice-running-mate niya ngayon ang anak na si LUIS MANZANO sa kanyang gubernatorial bid. San Juan City Councilors sina PBA icons JAMES YAP, PAUL ARTADI, DON ALLADO at ERVIC VIJANDRE sa pangunguna ni Mayor FRANCIS ZAMORA, dating starcager ng LA SALLE.

Sa hanay pa rin ng mga popular, nariyan sina Ormoc, Leyte Mayor RICHARD GOMEZ at betterhalf Cong. LUCY TORRES GOMEZ with PBA star Coun. REY EVANGELISTA. Bulacan Mayor si VERGEL MENESES ‘The Voyager’ ng PBA. Kabilang ang showbiz couple leaders ng Laguna, Governor ER EJERCITO at demised Mayor MAITA SANCHEZ EJERCITO. Bulacan Governor si DANIEL FERNANDO at naging Quezon City Mayor si HERBERT BAUTISTA with Councilor RODERICK PAULATE and Coun. ALFRED VARGAS. Ilan lang po sila sa mga mas maingay ang pangalan na kabilang sa suporta ng tinatawag nating Good Governance. Sa haba po ng listahan ay baka kapusin ang ating espasyo.



May mga pasaring na celebrities lang sila at minamaliit ang kakayahan. Well, for your information (fyi), huwag po nating i-underestimate ang kanilang kakayahan at educational background, Hindi po alam ng bashers/critics ang scholastic records ng bawat isa, graduate o undergraduate. Nakatutupad sila sa tungkulin at nailuklok by virtue of election especially ang mga nagsimula sa mas mababang posisyon at naglingkod tungo sa higher post.

Ang Sportsmen turned politicians ay galing sa varsity teams sa kolehiyo na naging professional cagers mula sa collegiate leagues particularly NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION (NCAA), nasa Season 100 at UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (UAAP), Season 87. They are highly educated po at sanay sa mataas na legal income pero hindi nagyayabang at pinangangalagaan ang imahe bilang icons ng million fans. Ito po ang nakikitang unang dahilan ng pagkiling nila sa Good Governance, Sana lang po ay nare-realize at naa-analyze ito ng lahat, in fairness sa Sports at Showbiz public service aspirants, lalo pa at election period na naman.

GOOD GOVERNANCE SA PASIG CITY,
Nasa trending row ngayon ng social media si Pasig City Mayor VICO SOTTO, anak nina top comedian/TV Host Bossing VIC SOTTO at former TV host/actress CONNIE REYES sa pamamalakad by transparency, kasama si Vice-Mayor ROBERT ‘DODOT’ JAWORSKI, JR., dating PBA cager, hubby ni actress/equestrienne (pro horseback rider) MIKEE COJUNGCO at anak ni Basketball Living Legend ROBERT JAWORSKI. Katandem nila si Cong. ROMAN ROMULO, betterhalf ni former TV Host/Valenzuela Councilor SHALANI SOLEDAD. Birong intro ba naman sa crowd ni Bossing VIC, “Si VICO.. The next President of the Philippines!’ mula sa posts and comments ng netizens na dapat tularan ang Good Governance ni Mayor VICO ng bawat public servant/politician. Recipient si Mayor VICO SOTTO ng US INTERNATIONAL ANTI-CORRUPTION AWARD covering his 2-terms period sa Mayoral post, mula sa US Department State recognizing 12 international Anti-Corruption Champions. HAPPY READING!