Advertisers
ISANG Chinese national ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon mula sa isang sulok ng departure curside sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Pasay City.
Sa ulat ng PNP-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang dayuhan ay nakilalang si Funian Lin, 31-anyos na umanoy’ nasa impluwensya ng alak makaraang rumesponde ang mga security personnel at tumawag sa NNIC medical team para sa agarang tulong medikal.
Batay sa inisyal na report, ang insidente ay naganap noong Martes, April 1,2025 bandang 7:40 PM 2025 kung saan natagpuan ang biktima na nakahandusay sa may arrival curbside area malapit sa Bay 1.
Sa loob ng ilang minuto, dumating ang mga doktor at nars sa pinangyarihan at binigyan ng paunang lunas ang biktima na nakaligtas sa ‘kamatayan’ kung saan ay dinala siya ng NNIC ambulance sa Pasay City General Hospital para sa intensive medical check-up.
Tikom naman ang bibig ng biktima habang kinakausap ng mga awtoridad kaugnay sa tangkang nitong pagpapakamatay. (JOJO SADIWA)