Advertisers
Nadakip ang mag-kapatid na kabilang sa Provincial Level top 6 at top 7 Most Wanted, habang sa City level top 4 at top 5 most wanted sa siyudad ng Meycauayan sa kasong carnapping.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Director BGen. Jean Fajardo, kinilala ang mga nadakip na sina alyas Jayson, 30, binata, welder; at alyas Jovet, 32-anyos, kapwa residente ng Brgy, Camalig sa naturang lungsod.
Inaresto ang dalawa via Warrant of Arrest na may Cc.no.1388-M-2025 at Cc.no.1060- M- 2025 sa kasong paglabag sa RA 10883 na (New Anti-Carnapping Act of 2016).
Nauna nang inilabas ni Branch 82 RTC Presiding Judge Hon. Maria Maruja P Narvaiza-Mendoza at RTC Branch 121 Presiding Judge Elenita N.E. Macatangay-Alviar na kapwa may kaukulang piyansa na tig-P300.000.00.
Samantala arestado rin sa hiwalay na operasyon ng mga pulis si alyas Marlon 30 anyos, na Top 5 Most wanted sa Provincial Level at Top 1 most wanted sa lungsod ng Meycuayan sa dalawang (2) kaso ng Carnapping residente rin sa Brgy. Camalig.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may cc.no.1388-M-2025 sa kasong Carnapping na inilabas ni Branch 82 RTC Presiding Judge Hon.Maria Maruja P Narvaiza – Mendoza,at cc.no.1060-M -2025 sa kasong Carnapping na inilabas ji Branch 121 RTC Presiding Judge Hon.Elenita N.E Macatangay-Alviar na may tig-Php.300.000.00 na piyansa.
Sa report, detenido ngayon ang tatlong naaresto sa Meycauayan City Jail.(Thony D. Arcenal)