Advertisers

Advertisers

2 babaeng seniors todas sa ambush

0 12

Advertisers

Nasawi sa mga tama ng bala ang dalawang senior citizens nang tambangan ng mga armadong lalaki sa bahagi ng highway sa Barangay Kibayao sa Kapalawan, Cotabato nitong Martes ng umaga, April 1, 2025.



Ang Kapalawan, isa sa walong mga bagong tatag na mga bayan ng Bangsamoro region sa probinsya ng Cotabato na sakop ng Administrative Region 12.

Kinumpirma ng mga barangay officials sa Kibayao at mga pulis na kasapi ng Carmen Municipal Police Station sa hindi kalayuang bayan ng Carmen, Cotabato na ang dalawang mga babaeng biktima ng pananambang ng mga salarin na agad na nakatakas ay mga Moro na mula sa isang barangay sa Kapalawan.