Advertisers
INIHAYAG ng International Criminal Court (ICC) na walang kailangang dami ng kaso para maisampa ang crime against humanity.
Dagdag pa ng ICC, isang kaso lamang ay sapat na para rito.
“The legal framework is that a crime against humanity is, can be a murder, can be any other number of criminal conducts… If there is a plan that involves a widespread or systematic recurrent attack against a civilian population, even one murder may be considered a crime against humanity,” ayon kay ICC spokesperson Fadi El Abdallah.
Magugunita na pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga ebidensya na ipinresenta laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umano’y crimes against humanity na may kaugnayan sa kanyang war on drugs.
Kinumpirma ng legal team ni Duterte na nakatanggap ito ng dokumento na nagdedetalye ng 181 items ng ebidensya laban sa kanya.
“This is a case of crimes against humanity. So, kung meron ka lang 181 pieces of evidence, does that show a crime against humanity?” pagtatanong ni VP Sara.
“Parang hindi siya makatarungan sa 80 years old na tao.”
“You have to prove that there were 30,000 victims. So how can you prove the systematic killing of 30,000 victims if you do not have the names of 30,000 victims? This is 43 counts of murder, not even 50. So where is the system there of killing thousands? No. You don’t. No. Sorry, bobo yung abogado nila.”
Sa kabila nito, kinontra ng mga legal expert ang sinabi ni VP Sara at sinabing hindi batayan ang edad sa ICC trial.
Ganito rin ang naging tugon ni Kristina Conti, abogado na nagrerepresenta sa mga biktima ng extrajudicial killing.
“Kung ganoon, eh di inaanyayahan ko si VP Sara na dumulog at humarap sa ICC mismo at sabihin niya yung ganyang argumento. Tingnan natin kung pakikingnan siya,” pahayag ni Conti.
“Itong krimen na ito ay hindi kahalintulad o hindi mo nga maikukumpara sa simpleng kaso na murder… In crimes against humanity, you do not need to name all the victims,” sabi pa ni Conti.