Advertisers
LUMOBO pa sa P16.63 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero, ayon sa Bureau of Treasury (BTr) na .
Kinumpirma ng kagawaran, nasa 1.96 percent of P319.26 billion ang nadagdag sa utang ng bansa kumpara noong sinundang buwan.
Nasa 67.5 percent nito ay utang panloob o domestic debt na nagkakahalaga ng P11.2-T.
Habang 32.5% ang utang panlabas ng Pilipinas na nagkakahalaga ng P5.41-T matapos madagdagan ng P179.64-B mula noong Enero.
Ayon sa Treasury, bahagyang lumiit kahit paano ang utang panloob ng bansa dahil sa paglakas ng halaga ng piso kontra dolyar.
Siniguro naman ng kagawaran na ginagamit sa mga proyekto ng gobyerno ang mga inutang kabilang na ang project loans para sa railways, health sector at agricultural sector.
Nananatili rin anila itong “manageable” sa kabila ng paglobo ng utang ng bansa.