Advertisers
Sugatan ang apat katao nang mauwi sa pamamaril ng isang negosynte ang naganap na road rage sa Antipolo City nitong Linggo ng hapon, Marso 30, 2025.
Kinilala ng mga biktima na nilalpatan ng lunas sa Cabading Hospital sa Peter Guzon, 52-anyos, na kritikal ang kalagayan sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo; Davis Menor 29-anyos ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City, nagtamo ng tama ng bala sa kanan dibdib; Patrick Guzon 22-anyos 3rd year college nakatira sa Brgy. Daang Hari, Navotas at, tinamaan sa kanang braso; at live-in partner ng suspek na tinamaan sa binti.
Samantala, naaresto ng mga otortida ang suspek na lulan ng Fortuner na may plakang DAN-7421 na si Kenneth Alajar Bautista, 28-anyos, ng Southville, Pinugay Baras Rizal, sa ilang minutong habulan sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Ayon kay Lt Col Ryan Manongdo, Chief ng Antipolo City Police, 5:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Marcos Highway, Sitio Calumpang, Brgy. San Jose, Antipolo City.
Sa report, bago ang insidente galing ang suspek sa isang private resort kasamaang kanyang pamilya at galing naman ang grupo naman ng motorsiklo sa Tanay na nag-visit naman sa tourist spot doon at lumabas sa may Boso Boso nagkagirian ang mga ito.
Ayon kay Manongdo, may pagkamabilis din talaga ang suspek, may mga video na nagpapatunay na pagka-reckless nito.
“Hnabol ito ng mag-ama, actually grupo sila. At nang makorner nila supposed to be verbal confrontation lang pero nauwi sa suntukan, naging pisikalan at ‘yun nga nung pakiramdam ng suspek na lugi na siya sa suntukan kinuha na nito ang kanyang firearm.”
Narekober sa pinagyarihan ng insidente ang 1 Caliber 9mm CZ P-10C, 1 magazine na may 15 bala , 1 magazine na may 7 bala, 8 basyo ng bala ng cal 9mm at itim na SUV.
Depensa ng suspek, walang gitgitang naganap sa pagitan niya at ng biktimang rider kung ‘di muntik lang nitong masagi ang grupo ng rider sa pababang bahagi ng Cogeo.
At nagawa lamang niya ang pamamaril upang protektahan ang sarili nang uyugin at pagbubugbugin ng mga nakaalitan nito.
Humihingi naman ng pasensya ang suspek sa pamilya ng mga biktima matapos ang insidente.
Kaugnay nito, patong patong na kaso ang kinakaharap ng suspek na isinampa ng ng mga otoridad kaugnay ng naganap na insidente.
Ayon kay BGen Paul Kenneth Lucas, Director ng PRO4A, sinampahan na si alias Kenneth ng kasong multiple frustrated murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at violation of the Omnibus Election Code.
“Frustrated murder ‘yung initially na ikakaso natin. Una makita niyo naman ‘yung mga biktima wala naman silang hawak na patalim and other deadly weapon and nakita niyo ‘yung isa is 2 beses niya binaril ‘yung isa kaya frustrated murder ‘yung ikakaso natin. Kakasuhan din natin siya ng violation of Omnibus Election Code dahil ‘yung baril niya is wala naman exemption galing sa Comelec,” pahayag ni Lucas.
Sinabi ni Lucas na 3 sa mga biktima nasa ospital itong isa nasa kritikal na kalagayan habang under observation naman ang dalawa at isa naman ang nakalabas na ng ospital nang malabapan ng kaukulang lunas.
At nakapiit na ng suspek sa detention cell ng pulisya.(Mark Oblaeda/Edwin Moreno)