Advertisers
NAGNININGAS ang liwanag sa gitna nang nangungulimlim na estado ng local sports partikular sa mga atleta ng bansa bunsod ng pa ndemya at ang may dala ng pag-asa ay si Philippine Olympic Committee president Rep. Bambol Tolentino kaagapay ang Kongreso
Sinabi ni Tolentino-Cavite Dist.8 congressman na pagbalik ng sesyon matapos ang idineklarang Modified Enhanced Community Quarantiine (MECQ) sa Metro Manila at karatig na kanyang hihimukin ang Kongreso na mai-restore ang kaukulang allowances ng mga athletes at coaches na kabilang sa national pool na natapyasan ng kalahating porsiyento ng Philippine Sports Commission dahilan sa nabawasang ingreso ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Kasabay nito ang kanyang anunsiyo, na hihimukin din niya ang government authorities na may timon sa Covid-19 pandemic na pahintulutan na ang marubdob na ensayo ng mga locally based Olympic hopefuls partikular iyong mga nasa hanay ng combat sports pagkatapos ng MECQ sa Agosto 18.
“We will ask Congress to restore the around P500 to P700 million that was lost due to the PSC’s diminished funds in the second version of the Bayanihan To Heal As One Act,” ani Tolentino. “Perhaps President Duterte is unaware of the plight of the athletes who gave us pride in the last SEA Games.
“We will ask our fellow lawmakers to make this a provision of the new law that we will enact when we come back to session”
Nitong nakaraang taon ang ating mga magigiting na atleta ay instrumental sa pagkopo ng overall championship ng Pilipinas noong nakaraang hosting ng 30th Southeast Asian Games.
Ipinahayag din ni Tolentino na ang Olympic aspirants ng ibang bansa ay nag-eensayo na para sa kanilang build-up “we have been left behind so we want our Olympic hopefuls, particularly in combat sports, to get back into the gym for workouts with the help of the PSC.”(Danny Simon)