Tapat at totoong pamamahala, itataguyod ni Konsi Bong Marzan
Advertisers
ITO ang prinsipyong ipagpapatuloy ni Chairman at Direktor ng Liga ng mga Barangay Bong Marzan sa kanyang adhikain maupo bilang isa sa Konsehal ng Maynila sa Distrito Kuwatro.
Bilang isa sa opisyal na kandidato ng ruling dominant party na Asenso Manileño, naniniwala si Marzan sa political brand ng partido na “Tapat at Totoo”, gaya nga ng pinatunayan at ipinakita ni Mayor Honey Lacuna sa loob ng tatlong taon nang pamahalaan niya ang Maynila bilang kauna-unahang lady mayor ng kabisera ng bansa.
Kabuntot din ng “Tapat at Totoo” na brand ng pamamahala ang sarling brand na “Basta Marzan,maaasahan”.
Makikita ang brand na ito sa loob ng ilang termino niyang pag-upo bilang Chairman ng Brgy. 497 kung saan itinaguyod niya ang kapakapakanan ng mga Senior Citizens, kapakanan ng mga kababaihan, kapakanan ng mga kabataan.
Tinutukan din ni Marzan ang pangangalaga sa kalusugan ng kanyang mga nasasakupan lalo na ng mga batang paslit kung saan sa pamamagitan ng feeding program ay nababantayan ang tamang nutrisyon ng mga ito.
Maging ang mga miyembro ng Tricycle Drivers Association o TODA ay kanyang inalalayan sa pamamagitan ng panghihikayat sa mga ito na sumailalim sa mga skills training program upang magkaroon ng mga kaalaman tulad sa hair cutting, barista, bread and pastry production, barbering upang magamit nila sa pagkakaroon ng iba pang pagkakakitaan.
Maging ang women empowerment ay itinataguyod ni Marzan sa pamamagitan ng pagsuporta dito sa pamamagitan ng isang parada ng parangal sa mga kababaihan sa paggunita sa kanila noong nakaraang buwan bilang National Women’s Month.
Nauna rito ay kasama nina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at buong Asenso Manileño family si Marzan sa isinagawang Unity Walk at Covenant Signing ng Commission on Election o COMELEC sampu ng ibang ahensya ng gobyerno bilang pagtataguyod ng malaya, malins, maayos at mapayapang eleksyon.
Isinagawa ang paglagda sa kasunduan sa Kartilya ng Katipunan kung saan nagpalipad din ng kalapating puti sila Marzan at ang buong Asenso Manileño. Ito ay simbulo ng malaya, payapa at maayos na halalan.
At sa pagsisimula ng unang araw ng kampanya para sa local election ay isang jampacked proclamation rally na pinangunahan nina Lacuna at Servo ang ginanap sa Earnshaw St, Sampaloc, Manila.
Sumaksi ang mahigit 12,000 supporters ng Asenso sa pagpapakilala ng mga opisyal na kandidato kabilang na si Konsi Bong Marzan bilang isa sa Konsehal ng Distrito Kuwatro. (ANDI GARCIA)