Advertisers

Advertisers

Papel ng Brgy. sa pagpapakalat ng info ng mga gov’t programs, binigyang halaga ni Mayor Honey

0 17

Advertisers

BINIGYANG halaga ni Manila Mayor Honey Lacuna ang papel na ginagampanan ng mga barangay sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa city government programs para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

Sa kanyang maiksing mensahe sa flagraising ceremony nitong Lunes, nanawagan din si Lacuna sa mga residente na palagiang makipag-ugnayan sa kanilang barangay upang matiyak na ang lahat ng kanilang karaingan, reklamo at iba pang usapin ay makarating sa kanilang chairmen upang magawan agad ng aksyon.

Pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng Chairman ng 896 na barangay sa siyudad sa patuloy nilang pagtulong sa administrasyon na makatulong sa lahat ng pangangailangan ng mga Manileño. Ito ay kasabay ng kanyang pag-anyaya sa lahat ng barangay chairs na wag mag-atubili na hingin ang aksyon ng pamahalaan pagdating sa mga usapin ng kanilang nasasakupan.



Kaugnay nito ay hinimok naman ang lahat ng mga pinuno ng barangay na palagiang makipag-ugnayan sa Manila Barangay Bureau na pinamumunuan ni Gilbert Sugay na sinigurado din na ang kanyang tanggapan ay bukas sa lahat ng pinuno ng barangay para sila ay tulungan.

Binigyang papuri din ni Lacuna ang lahat ng ginagawa ng mga Punong Barangay sa maayos at mabilis na pag-aasikaso ng monthly allowances ng mga senior citizens, solo parents, persons with disability at minors with disability.

Ayon kay Lacuna, ang barangaya Ang unang-unang nakakaalam kung may bagong programa ang pamahalaan, gayundin kung may bagong regulasyon na dapat na ipatupad ang lungsod.

Sa puntong ito, ang mga barangay ang siyang nagpapakalat impormasyon o detalye sa mga residente upang matiyak na ang mga ito ay maayos na nagagabayan at nabibigyan ng tamang impormasyon sa kanilang kapakinabangan. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">