AKSYON NI PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO SA IDINAOS NA PEACE COVENANT EVENT PINUNA NG CONGRESSIONAL CANDIDATE
Advertisers
KINONDENA ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia ang umano ay pagiging arogante ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Partikular na pinuna ni Sia ang aksyon ng alkalde sa idinaos na peace covenant signing event sa lungsod kamakailan
Ayon kay Sia, maituturing na offensive ang pagbibiro ni Sotto nang magkunwari itong tila kinakamayan ang katunggali nyang kandidato.
Magugunitang hindi umabot sa nasabing event si Mayoral candidate Sarah Discaya, dahil masama umano ang pakiramdam nito.
Nagtungo din si Discaya sa peace covenant event, subalit maagang natapos ang aktibidad dahil maaga din dumating ang alkalde na agad ding umalis matapos ang photo ops sa media.
Bumisita pa rin naman ito sa tanggapan ng Comelec noong nasabing araw at lumagda din sa peace covenant.
Ayon kay Sia sa nakalipas na 6 na taon ang tanging achievement ng kasalukuyang administrasyon sa lungsod ay ang paglilinis ng mga drainage habang wala namang natapos na major infrastructure projects.
Ilang residente ang itinuturing na harassment ang mga aksyon ng alkalde laban sa kanyang katunggali.
Kasunod ito ng hindi pag apruba ng Pasig LGU sa hiling ng kampo ni Discaya na magamit ang isang public venue para sa kick-off ng kanilang political campaign.