Advertisers

Advertisers

HEAL PH PARTYLIST LAYON SOLUSYUNAN ANG HEALTHCARE CRISIS

0 7

Advertisers

ISA na namang partylist group ang aking nasaksihan nang ako ay nagmonitor sa programang ‘Bakit Kayo Sa Kongreso’ Media Forum na ang ating kaibigang Pia Morato ang host tuwing Lunes diyan sa Tribute Hotel sa Scout Gandia sa Quezon City.

Pinahanga ako ng mga kinatawan ng HEAL PH (Health, Education, Advocacy, Labor) Partylist dahil sabi ng mga nominee nito, nakakabahala na daw ang kalagayan ng healthcare dito sa Pinas at sila ay nananawagan na, na dapat ay tugunan na ito ng pamahalaan.

Ang sabi no Retired Gen. Mariano Mejia, na 6th nominee ng partylist na ito, habang ang Universal Healthcare Law raw ay iswng mahusay na hakbang para tugunan ang bawat kalusugan ng mga Filipino, may pagkukulang pa ang batas sa imolementasyon nito.



Misappropropriation’ ng pondo, ang sinabi ni Mejia, ang unang dahilan nilang nakikita na pagkukulang sa batas na ito.

Si Mejia, na isang doktor din pala, ay dating surgeon general ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nagsasabing mismong sa hanay ng mga retiradong sundalo, ay nakakaranas ng kakulangan ng implementasyon ng Universal Healthcare Law.

Hanggang sa ngayon kasi aniya, iisa pa lamang ang ospital para sa mga sundalo, na matatagouan pa sa Quezon City. Bakit nga ba wala sa ibang lugar? Nang sa gayon ay di na bibiyahe pa ng pagkalayo-layonyaong mga nasa probinsiya.

Sinabi rin ng HEAL PH na pinaka-problema din sa batas ay ang korupsiyon na kumukopo dito.

Inginuso naman ni Dr. Jose Jalmasco Duran (7th nominee) ang pondo ng PhilHealth, na layon mapabuti ang kalagayan ng mga Filipino kung kalusugan lamang ang pag-uusapan subalit napipihit sa iba ang pondo na dapat ay dito lamang nakalaan.



“Isa ito sa ating isusulong upang lahat ng Pilipinong nangangailangan ng medikal na tulong ay makinabang naman,” sabi pa ni Jalmasco.

Inilahad ng HEAL PH Partylist ang iba pa niyong tututukan sakaling mapagtagumpayan ang halalan gaya ng Universal Access: Infrastructure Upgrade; Strengthening Legislation at mga batas pa na magsusulong ng suporta sa ating mga hospital, laboratories, at pharmaceutical industry.

Pagka-ganito nang ganito ang mga maririnig mo sa mga kinatawan ng mga partylist eh pihadong di ka na sasama sa pagtawag na buwagin na ang partylist system – na ngayon ay kopo na ng mga political families o dynasty.