Advertisers
ITO ay artikulo ni Heather Cox, na minarapat ko isalin sa Tagalog. Tungkol ito sa intelligence breach sa bukluran ng Washington. Isinulat ito ni Heather: Heather Cox Richardson: Marso 26, 2025 (Miyerkules) ang nakakagulantang na balita na ang pinakamatataas na kasapi sa administrasyon ni Donald Trump, sa plano nilang salakayin ang mga Houthi sa Yemen, gamit ang hindi maingat na commercial messaging app kung saan isinama pa ang mamamahayag, ang humahawak sa national security, ang editor-in-chief ng The Atlantic Jeffrey Goldberg. Sa nakaraang dalawang araw, ito ay sadyang sumambulat sa napakasamang paraan.
Noong Lunes nagpahayag ang Secretary of Defense Pete Hegseth, at habang nakatingin sa mga kamera, sinabi niya ” walang gumagawa ng anumang “war plans”! Noong buong Martes, ipinilit ng Washington sa pagsasabing walang katotohanan ito! At sinisi ang mamamahayag Jeffrey Goldberg, na walang kakayahang ilabas ang impormasyong sabi nilang alam niya!
Pinilit nilang paikutin ang naratibo. Nagparatang sila na hinack ni Goldberg ang chat group, at kinasangkapan ni National Security Adviser Michael Walz upang ipasok si Goldberg sa chat group! Ilang personahe kasama si Donald Trump ang nagsabing walang detalye sa chat ang “classified”!
Nang humarap sa Senate Intelligence Committee, pilit na sinabi ni Director of National Security Tulsi Gabbard na walang mga sikretong bagay na nakita. Ani Gabbard: “There was no classified material that was shared in that Signal group.” Sa kinahapunan sinabi ni Trump sa mga reporters ““The attack was totally successful. It was, I guess, from what I understand, took place during. And it wasn’t classified information. So this was not classified.”
Bukod kay Trump, kinatigan ito ng ilang opisyal ng administrasyon niya. Anila walang anumang datos na naglalaman ng mga sikreto. Pinaamin ng mga senador ng Senate Intelligence Committee si Gabbard ngunit nanatili siyang kimi at walang inamin. Ani Gabbard: “My communications, to be clear, in the Signal message group were entirely permissible and lawful and did not include classified information.”
Ito’y sinang-ayunan at kinatigan din ni CIA director John Ratcliff sa isang panayam. Sabi ni Gabbard na ipinauubaya niya sa CIA Director at National Security Council kung anong impormasyon ang dapat maging “classified”. Nagulantang si Senador Angus King sa sinabi ni Gabbard at sinabon sila: ““You’re the head of the intelligence community. You’re supposed to know about classifications.”
Dagdag ni King:“So your testimony very clearly today is that nothing was in that set of texts that were classified… If that’s the case, please release that whole text stream so that the public can have a view of what actually transpired in this discussion. It’s hard for me to believe that targets and timing and weapons would not have been classified.”
Samantala ang mga umuungkat na reporters tulad ni James La Porta ng CBS News ay naglabas ng isang internal bulletin mula sa National Security Agency na nagbigay ng isang babala noong Pebrero 2025, na huwag gumamit ng Signal app dahil mapapasok ito ng mga Russian hackers! Sinabi ng isang White House official kay Maggie Miller at Dana Nickel na “hackable” ang kanilang personal phones at minamanmanan ang kanilang “gadgets” ng mga espiya!
Gabi ng Martes inihabla ng American Oversight si Hegseth, Gabbard, Ratcliff; Treasury Secretary Scott Bessent, pati si Marco Rubio na kasama sa Signal chain dahil sa paglabag ng Federal Records Act! Tinangka nilang ikutan ang batas na ito. Subalit sa termino ng mga USMarines ito ay humantong sa isang malaking “cluster fuck.”
Sa pamamagitan ng mga screenshots, naglabas ng ebidensya ang The Atlantic ang ginawa ni Hegseth, DIRECTOR ng CIA, Si Rubio, at atbp. Patunay sa screenshots na ayon sa administration officials na nagsinungaling si Hegseth, Rubio, atbp. Nagbigay sila ng detalyadong plano na ilalagay ang mga military personnel sa tiyak na panganib!
Hindi tapos ang isyung ito. Maliwanag sa abang peryodistang ito na may maling pagkakamali ang administrasyon ni Trump dito. Bagay na magiging isyu ng kapalpakan, patuloy na magiging teleserye sa mga Amerikano sa patuloy nilang pagtahak ng kanilang kasaysayan. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
mackoyv@gmail.com