Advertisers
Quezon City – Isang makasaysayang araw ang naganap sa Unang Distrito ng Quezon City nang magtipon ang daan-daang residente sa idinaos na misa at kick-off rally para sa pagbabalik ng serbisyong Crisologo, na isinagawa sa Toro Hills Subdivision. Basketball Court, Jersey St., Brgy. Bahay Toro nitong Linggo, Marso 30, 2025.
Sa pangunguna ni Bro. Bingbong Crisologo, na muling tumatakbo bilang Kongresista, at Konsehala Nikki Crisologo, na naghahangad ng panibagong termino bilang Konsehal, naging makasaysayan ang pagtitipon.
Naging kulay asul ang buong kapaligiran at hindi mahulugan karayom ang mga nagsidalo upang makibahagi sa unang salbo ng pangangampanya nina Bingbong at Nikki Crisologo para sa Distrito Uno.
Bago magsimula ang kick off rally, binasbasan muna ni Running Priest Father Robert Reyes sina Bingbong at Nikki, upang magtagumpay ang mga ito sa kanilang agaring makapalingkod muli ng tapat at walang pag-iimbot sa Distrito Uno.
At mararamdaman sa mga mamamayan ang matindi nilang panawagan at masidhing pagkukumbinsi sa mga Crisologo na muling bumalik at ipagpatuloy ang kanilang tapat at malawak na paglilingkod para sa taumbayan partikular na sa mga residente ng Distrito Uno.
Dumadagundong ang sigaw ng taumbayan, “Babalik ng muli ang Serbisyo Crisologo!”
Ayon na rin sa mga residente ng Distrito Uno, na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, marami ang nakaramdam ng kakulangan sa tunay na malasakit, kaya nga ngayon sila na mismo ang nagsusulong ng pagbabago.
“Napakahirap ng naging sitwasyon ng Distrito Uno nitong mga nakaraang taon. Kailangan natin ng lider na may malasakit, may puso para sa tao, at tunay na naglilingkod. Hindi ito tungkol sa pulitika lang – tungkol ito sa kinabukasan ng ating distrito,” ani isang residente na dumalo sa rally.
Ayon kay Nikki, nais nilang ibalik ang totoong serbisyo para sa Distrito Uno.
Kaya nga hiling ni Nikki sa taumbayan na tulungan silang makabalik upang magampanan nila ng maayos ang iaatang sa kanilang tungkulin para sa naturang distrito.
Pangako naman ni Cong. Bingbong na muli nitong ibabalik ang serbisyong nawala sa mamamayan ng Distrito Uno. Personal siyang bababa sa taumbayan upang maghatid ng tulong dahil aniya iyon ang tunay na serbisyo ang may malasakit sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ni Bingbong na magkakaroon lamang ito ng katuparan kung muli silang maluloklok sa Konseho at Kongreso ng Distrito Uno, Quezon City, at upang muling madama ang mainit at tunay na diretso sa taong ‘Serbisyo Crisologo!