Advertisers
MAYORYA sa mga estudyante sa kolehiyo ang kumbinsido na dapat patalsikin sa puwesto si Vice President Sara Duterte.
Base ito sa survey na isinagawa ng Center for Student Initiatives.
“The survey results indicate widespread dis-satisfaction among young Filipinos with Vice President Duterte’s leadership, particularly her lack of accountability and perceived dishonesty, especially concerning her office’s confidential funds,” sabi ni Maria Aquino, CSI Director for Operations.
Matatandaan Pebrero 5, 2025 na-impeach si VP Sara ng House of Representatives sa mga kasong graft and corruption, planong pagpatay kay Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at iba pang mga paglabag sa konstitusyon.
Nakagugulat din na 1,696 sa 2,000 respondents, o 84.8%, ang sumagot ng “Oo” sa tanong na:
“Naniniwala ka bang dapat tanggalin si Sara Duterte sa pwesto?”
“Though it is nice that we were able to confirm it, the results are somehow expected. Previous surveys, including student mock polls conducted ahead of the 2022 vice presidential elections, gave us a glimpse of how the youth perceive Sara Duterte’s leadership or lack thereof,” dagdag pa ni Aquino.
Lumabas din sa nasabing survey na 73.9% (1,477 sa 2,000) ng respondents ang mas gustong mag-convene na ang impeachment court bago ang halalan sa Mayo.
Nabatid na pinangunahan ng CSI ang survey, na isinagawa online mula Pebrero 28 hanggang Marso 16, gamit ang non-probability sampling.
Ang Center for Student Initiatives ay isang youth-led, volunteer organization na sumusuporta at nagtataguyod ng student-driven at solution-oriented research sa Pilipinas.