Advertisers
Patay ang isang Flight Instruct at estudyante nito nang bumagsak ang sinasakyang Cessna plane sa Lingayen, Pangasinan, nitong Linggo ng umaga.
Kapwa hindi na umabot ng buhay sa Lingayen District Hospital ang flight Instructor na si Capt. Nikko Manogan, 32; at Student Pilot Bryan Allen Ocang, 25-anyos.
Ayon kay Lt Col Mor Mio Somine, Lingayen, Chief of Police, 8:20 ng umaga nang bumagsak ang Cessna plane na 152 with regisitry no RP-C8595 na pag-aari ng Pilipinas sa Space and Aviation Inc sa Lingayen Airport, Brgy Libsong East, Lingayen, Pangasinan.
Sinabi ni Somine na nasa final na rotation ng flight ang nasabing Cessna plane at ilang munito ng bumagsak ito nang mag-touch down at lumipad.
Hininilang nagkaroon engine failure ang naasbing eroplano na siyang dahilan pagbagsak nito.
Pangsamantala isinailalaim namam sa grounded ang flying school habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang dahilan nang pagbagsak ng nasabing eroplano. (Mark Obleada/Thony Arcenal)