Advertisers

Advertisers

Buntis, 2 pa galing lamay pinaglamayan

0 11

Advertisers

Nasawi ang isang buntis at dalawa pa nitong kasama nang bumangga ang kanilang sasakyan sa kasalubong na trak sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa ulat, galing sa lamay ang mga biktima nang mangyari ang insidente.



Sa ulat, nag-overtake ang kotse sa sinusundan nitong sasakyan sa bahagi ng Barangay Mawaque nang makasalpukan ang trak.

Tila nawalan ng kontrol ang drayber ng kotse kaya napunta sa linya ng paparating na trak at patagilid na sumalpok.

“Sa bilis nito [kotse] pagka-overtake niya, noong babalik na siya sa right lane, tumama ito sa gutter ng tulay and then na-lose control na siya. Humampas yung kotse sa harapan mismo ng dump truck,” pahayag ni PMSG. Mark Caisip, Chief traffic investigator ng Mabalacat Police Station.

Agad na nasawi ang dalawang sakay ng kotse kabilang ang isang buntis.

Sa ospital naman binawian ng buhay ang drayber ng kotse.



Lumabas sa imbestigasyon na nakainom ang drayber ng kotse.

Hindi na magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa may-ari ng trak ngunit nangako naman ang may-ari na tutulong sa gastusin ng mga namatayan.