Advertisers
BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si tennis player Alexandra “Alex” Eala matapos ang kanyang makasaysayang kampanya sa 2025 Miami Open.
Pinuri ng Pangulo ang determinasyon at katatagan ni Eala bilang kinatawan ng Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok.
Ayon kay PBBM, ipinamalas ni Eala ang kakayahang makipagsabayan sa mga nangungunang manlalaro, bagam’at natalo siya sa semifinal laban kay world No. 4 Jessica Pegula ng Estados Unidos.
Samantala, sinabi naman ng Presidential Communications Office na ang tagumpay ni Eala ay nagbigay inspirasyon sa mga Pilipino, lalo na ngayong Buwan ng Kababaihan, dahil ipinamalas nito ang diwa ng sipag at tiyaga sa pagharap sa mga hamon. (Gilbert Perdez)