Advertisers
Arestado ang isang lalaking wanted sa umano’y pagpaslang sa apat na katao sa Navotas.
Inihayag ni Police Colonel Renante Pinuela, Commander ng Northern Police District (NPD) Mobile Force Battalion, na kabilang ang suspek sa most wanted list ng DILG, NCRPO, NPD at ng Navotas City Police, na may kaukulang warrant of arrest para sa kasong murder noong 2023.
“Ang napatay dito ay dalawang babae at dalawang lalaki at yung lalaki dito isa ay minor pa. It happened last May of 2023. So yung suspek na nahuli natin siya yung leader ng grupo,” pahayag ni Pinuela.
“Natagalan lang kami sa pagkuha [sa suspekj] dahil lumabas siya ng Metro Manila, we found out nasa Region 3, Bulacan, palipat lipat siya ng area. Nasa subdvision siya, nangungupahan, so nasundan ng ating intel operatives at paalis sila ng bahay actually so nung nagpakilala ang mga puis natin, tumakbo at hinabol siya ng mga tropa,” patuloy ng opisyal.
Batay sa ulat, nadakip ang suspek sakay ng itim na SUV sakay ang kanyang kinakasama habang palabas ng subdivision sa San Rafael, Bulacan.
Narekober mula sa kanila ang isang baril at hinihinalang shabu.
Hawak na ng Northern Police District ang dalawa.
Maliban sa murder, kalaboso rin ang lalaki sa reklamong illegal posession of firearms and ammunition in relation to the Omnibus Election Code, habang kinasuhan ang kanyang live-in partnet ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.(Beth Samson)