Advertisers
Isang sunog ang sumiklab sa bahagi ng lumang gusali ng Ospital ng Maynila sa Malate, Manila nitong Linggo, Marso 30.
Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog 1:30 ng madaling araw at itinaas naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa first alarm 1:38 ng umaga.
Aabot din sa siyam na fire truck ang rumesponde sa nasabing lugar. Naapula naman ang apoy bandang 2:12 ng madaling araw.
Sinabi ng BFP na nagsimula ang sunog sa ground floor at umakyat sa gilid ng limang palapag na gusali.
Batay sa mga tauhan ng ospital, natupok ng sunog ang isang silid kung saan nakalagay ang mga lumang medical supply.
Walang naitalang nasugatan at nasawi, at iniimbestigahan pa ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.