Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PUMASOK sa Pinoy Big Brother house ang magka loveteam na sina Kim Chiu at Paulo Avelino noong Huwebes ng hapon.
Ano kayang mga tasks ang ibibigay ni Kuya sa KimPau?
Exciting nga ang mga magaganap sa pagpasok nila kung saan makakasama nila sa maiksing panahon ang Kapuso at Kapamilya Housemates.
Ito rin ang muling pagbalik ni Kim sa loob ng PBB house kung saan siya nagsimula.
Matatandaang taong 2006 nang maging isa sa mga original teen housemate ng unang season ng ‘Pinoy Big Brother Teen Edition’ si Kim, kung saan siya ang tinanghal na first teen Big Winner.
Huli naman siyang pumasok sa bahay ni Kuya noong 2014 para sa ‘Pinoy Big Brother All In’.
Pagbabalik naman ito sa GMA Network ni Paulo na nakilala sa season 4 ng ‘StarStruck’.
Sa pagpasok ni Kim sa Bahay Ni Kuya ay nagbigay na rin siya ng payo sa mga housemates bilang siya ang isa sa pinakamalaking artista na produkto ng nasabing reality show.
Payo ni Kim ay huwag matakot mangarap ang mga housemates. Importante rin daw ang pakikisama.
Dahil lahat ng housemates ay may kani- kaniyang ugali, learn to compromise, sabi pa niya.
Kapag may problema raw sa ibang housemates ay makipag-usap daw ng masinsinan. Magpakatotoo lamang daw.
Ang payong ito ni Kim ang nagdala sa kanya nung nasaan man siya ngayon.
Aminado si Kim na bago siya pumasok sa showbiz, wala siyang alam. Hindi marunong umarte, kumanta at sumayaw pero dahil sa pursigido siyang matupad ang pangarap ay sinikap niyang matutunan ito.
Speaking of KimPau, sa panayam sa kanila ni ni MJ Felipe, tinanong nito si Kim, kung totoo bang pinagpatuloy nito na halikan si Paulo sa pelikula nilang My Love Will Make You Disappear, maski nagsabi na ang kanilang direktor na si Chad Vidanes ng cut.
“Hindi ko narinig kung cut o hindi?” sey ni Kim
Sey naman ni Paulo, “Kami naman ni Kim sumusunod lang sa sinasabi ng direktor namin at sa script.”
Samantala, ang MLWMYD,ang pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa takilya ngayong 2025. Kumita ito ng 12million sa unang araw pa lamang na ipinalabas ito.
Congrats KimPau.
***
TSINUGI ang isang contestant sa Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025 na si Marco Adobas, matapos umano itong lumabag sa pinirmahang kasunduan bago pa magsimula ang kumpetisyon.
Sa official Facebook page ng It’s Showtime, na napapanood sa ABS-CBN at GMA 7, mababasa rito na, “Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng #PangkatAlon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan. Dahilan para sa siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon.
“At dahil sa mga mabigat na paratang na inilathala niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa, ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso,” nakasaad pa sa official statement.