Advertisers
ANG ‘Tatak Nene Aguilar Team’ ay nakahanda na sa opisyal na pagsisimula ng local campaign noong Biyernes, Marso 28 para sa May 2025 midterm elections.
Binubuo ang Tatak Nene Aguilar Team na kilala din sa tawag na Green Team sa pangunguna nina Mayor April Aguilar, Vice Mayor Imelda “Mel” Aguilar, Congressman Mark Anthony Santos at District 1 Councilors Alelee Aguilar, Atty. Zardi Abellera, Brian Bayog, Robert Cristobal , Marlon Rosales at Macmac Santos. Habang sa District 2 naman sina Councilors Engr. Henry Medina, Lester Aranda, Luigi Casimiro, Tito Martinez, Macky Saito, at Euan Toralballa.
Ipinagmamalaki ni Mayor April Aguilar ang kanyang buong Green Team na isinusulong ang adbokasiyang nakasandig sa iniwang legasiya ng kanyang namayapang ama na si Mayor Vergel “Nene” Aguilar, na pumaprayoridad sa kapakanan ng bawat Las Pinero.
Ito ay ang matibay na pangakong ipagpatuloy ang adhikain ng administrasyong Aguilar na lalong itaguyod ang 5K Program-Kalusugan, Kaalaman, Kaayusan, Kabuhayan, at Kinabukasan para sa mga residente ng Las Pin¨as.
“Ang mga programa sa Las Pin¨as ay magmula pagkapanganak hanggang sa pagkamatay ay halos libre lahat.Kapag nanganak may lying-in Clinic, kapag po na-ospital may green card po para sa libreng hospitalisasyon at libreng check-up taon-taon sa Hi- Precision,” sabi ni Mayor April Aguilar.
“Napaka-importante po sa amin ni Mayor Mel ang inyong kalusugan, kaya nagpatayo kami last year ng dalawang diagnostic centers para sa libreng check- up ng Las Pin¨ero, pumunta lamang po sa laboratory testing centers natin,” dagdag pa nito.
Binigyang-diin ni Mayor April Aguilar ang isa sa kanilang mga prayoridad, ang pinaka-importanteng programa sa edukasyon na pamana ng panghabambuhay kaya libre ang paaral sa daycare centers, grade school, high school at kolehiyo sa Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College at 4 year course sa DFCAITI.
Sa susunod na taon nakatakdang buksan naman ang bagong 10-storey building ng DFCAM College of Engineering kung saan magpapaaral sa 4,000 na libre sa kolehiyo.
Bukod dito, kasama din sa programa rang libreng libing, libreng cremation, libreng columbarium at iba pang proyektong tumutulong sa maraming kapus-palad na Las Pin¨ero.
Ayon kay Cong. Mark Anthony Santos, ang pagbibigay ng tunay na malasakit at serbisyo sa mamamayan lalo na sa isinusulong nitong socialized housing project sa lungsod.
Samantala, nagpapasalamat si Mayor April Aguilar sa patuloy na pagmamahal, tiwala at suportang ipinaparamdam sa kanila ng mga residente.
Asahan na ng Las Pin¨ero ang pagbuhos ng mas marami pang proyekto sa Las Pin¨as sa panalo ng Tatak Nene Aguilar Team sa halalan. (JOJO SADIWA)