Advertisers
NAGBABALA ang Malakanyang sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa paglahok sa anumang mga aktibidad na may kaugnayan sa eleksyon.
Ang pahayag ay ginawa ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro kasunod ng pagsisimula ng 45-day campaign period para sa mga lokal na kandidato.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Castro na kailangang manatiling neutral at hindi magpapagamit sa sinumang pulitiko ang mga miyembro ng PNP at AFP.
Binigyang-diin ng opisyal na na ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang pagiging tapat sa bansa at sa Saligang Batas. (Gilbert Perdez)