Advertisers

Advertisers

Lillard, Anthony susi sa panalo ng Blazers vs Rockets

0 270

Advertisers

KUMAMADA si Damian Lillard ng 21 points, at nagsalpak si Carmelo Anthony ng malaking 3-pointer upang akayin ang Portland Trail Blazers sa 110-102, tagumpay laban sa Houston Rockets kahapon sa Lake Buena Vista, Flo-rida.
Abante ang Blazers ng isang puntos bago naipasok ni Lillard ang isa sa dalawang free throws, at naisalpak ni Anthony ang 3 para lumawak sa 107-102 sa nalalabing isang minuto.
Nagdagdag si Lillard ng 2 free throws, habang si Anthony ay umiskor ng 15 points at 11 rebounds, sa final minute para masiguro ang panalo para sa Portland, na lumalaban para sa playoff spot.
Pinamunuan ni James Harden ang Houston sa kinamadang 23 points at nine assists sa gabing inatake ng foul trouble.
Bumakas si Jeff Green ng season-high 22 points para sa Roc­kets na bigo sa unang pagkakataon sa bubble matapos maipanalo ang kanilang unang dalawang games.
McCollum nagtapos ng 20 points para sa Blazers.
Sunod na makakaharap ng Rockets ang ­Lakers bukas Biyernes, habang ang Trail Blazers sasagupain ang Denver Nuggets.