Advertisers
Malinaw pa umano sa sikat ng araw na ‘vote buting’ na matatawag ang pagbibigay ng ayuda na may kapalit na boto ngayong panahon ng kampanyahan para sa Mayo a-12 national at local eleksyon.
Ito ang binigyang diin ng Nominee na si Atty. Anel Diaz, mula sa ‘Pamilya Ko Partylist’ kasunod ng ginawang pag-iikot sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Giit ni Diaz, kung nais talagang magbigay ng tulong o ayuda ng sinumang pulitiko o kumakandidato, dapat walang ibang layunin kundi ang makatulong sa mamamayan nang walang hinihinging kapalit lalo na sa ganitong mga panahon.
Malinaw kasi anya na ang pagbibigay ng ayuda na may inasahang balik na boto ay isa itong vote buying.
Panawagan pa ng Abogado s kapwa nito kandidato, mamahagi ng ayuda na walang inaasahang kapalit kundi ang layunin ay makatulong sa kapwa ngayong eleksyon.