Advertisers

Advertisers

PBBM MAY PABAHAY PROJECT PARA SA MGA TAGA-DAVAO

0 13

Advertisers

IBINIDA ng Malakanyang ang patuloy na pagpapatupad ng programang Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH) ng administrasyong Marcos.

Ito, ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro, ay upang mabigyan ng maayos at abot-kayang pabahay ang mga Pilipino.

Halimbawa, ayon kay Castro, sa lungsod ng Davao, 72 five-storey buildings ang itinatayo bilang bahagi ng proyektong ito.



Sa nasabing bilang, apat na gusali ang ganap nang natapos at handa nang mai-turnover sa mga benepisyaryo.

Samantala, sinabi ni Castro na ang iba pang gusali ay patuloy ang konstruksyon upang mas maraming pamilya ang matulungan.

Tinatayang 7,200 pamilya ang makikinabang sa programang ito, partikular na ang mga naninirahan sa danger zones at mga naapektuhan ng iba’t ibang government infrastructure projects sa lungsod.

Isa ang 4PH program sa mga pangunahing inisyatibo ng administrasyong Marcos upang matugunan ang kakulangan sa pabahay sa bansa. (Gilbert Perdez)