Advertisers
PINAGPIPIYESTAHAN uli ngayon sa social media ang bilyones na laman ng bank accounts ng pamilya Duterte.
Hindi na bago sa atin ang isyung ito. Ibinunyag na ito ni Antonio Trillanes noong senador pa siya, na mayroon bilyones ang pamilya Duterte sa mga bangko, na ang perang ito ay galing sa droga at mga iligal na POGO. Pero dinedma lang ito ng Senado dahil majority ng senador noon ay mga naka-suso kay noo’y Presidente Rody Duterte.
Ngayong nakulong na si Duterte sa The Hague, Netherlands, sa International Criminal Court (ICC) detention facility, sa kasong ‘Crimes against humanity’, pinag-uusapang posible umanong ipa-freeze ng international court ang assets ng da-ting pangulo upang maipambayad sa mga biktima ng ‘extra judicial killings’ sa Pilipinas kapag ito’y nahatulan ng ‘guilty’.
Isa sa mga kumakalat sa social media ang naging pahayag noon ni dating Deputy Ombudsman Arthur Carandang na ang dokumento ni Trillanes tungkol sa bilyones ng pamilya Duterte sa bangko ay tunay, tugma sa datus ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
“We can confirm that we received the bank transactions (Duterte) coming frm AMLC. These records are generated by the anti-money laundering council itself. May mga deposits na 20 million, 20 million, 16 million, then 10 million. Ang dami e… 40 million, 40 million, several 40 millions, 200 million kaagad ito. Pag in-add mo sigurp ito aabot ng billion,” pagbubunyag ni Carandang.
Si Carandang ay kinasuhan at tinanggal sa naging pahayag niyang ito, matapos na ‘di maituro kung sino ang kanyang source sa AMLC.
Sinabi ng kampo ni Duterte na iligal ang pagkakuha sa nasabing dokumento at hindi ito tatayo sa korte kung walang source na maituturo.
Nagbanta pa noon ang kampo ni Duterte na kasuhan ng ‘Libel’ si Trillanes. Pero hindi rin itinuloy dahil siguradong hihingin ng korte sa AMLC ang bank history ng Duterte na sinasabi ni Trillanes.
Sa idineklarang statement of assets, liabilities and net wort ni Duterte bago maging presidente siya, nakalagay na 2016 ay mayroon lamang siyang P27 million, 2015 (P23m), 2014 (P21m), 2011 (P18m), 2009 (P16m), 2008 (P15m), 2007 (P9m), 2006 (P8m), 2005 (P8m).
Ayon kay Trillanes, ang napakalaking pera ni Duterte ay mostly galing sa drug lord na si Sammy Uy, maliban pa kina Michael Yang, Charlie Tan at Allan Lim.
Ka-joint account daw ni Duterte ang kanyang anak na noo’y Mayor ng Davao City na ngayo’y Vice President Sara.
May milyones din daw na pumasok sa accounts nina ngayo’y Davao City Congressman Pulong at Davao City Mayor Baste Duterte gayundin sa 2nd wife ni Digong na si Honeylet.
Ayon naman sa House prosecutors panel sa impeachment ni VP Sara, posibleng hilingin nila sa AMLC ang bank history ng pamiya Duterte para malaman kung may katotohanan nga ang naging expose ni Trillanes na may bilyones ang pamilya Duterte na galing sa droga at illegal POGO.
Ang impeachment laban kay VP Sara ay nasa mga kamay na ng senador, na babalik sa sesyon sa Hunyo 1.
Sinabi ni Senate President Chiz Escudero na sa Hulyo 31
pa nila sisimulan ang impeachment trial laban sa pangalawang pangulo. Abangan!