Advertisers

Advertisers

3 motornaper tigok sa engkuentro

0 14

Advertisers

Napatay ng mga pulis ang tatlong nagtangkang magnakaw ng isang motorsiklo sa isang engkwentro sa Midsayap, Cotabato, Biyernes ng madaling araw.

Sa mga hiwalay na pahayag nitong umaga ng Biyernes ng Midsayap Municipal Police Station at ni Mayor Rolly Sacdalan, dalawa sa tatlong nasawi sa insidente kinilalang sina Arzad Calong at Talusan Dimatingcal na mga residente ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon sa ilang mga traditional community leaders sa Midsayap at sa hindi kalayuang mga bayan sa Maguindanao del Sur, notorious na mga kawatan ng motorsiklo si Calong at Talusan.



Unang namaril ng mga police sa isang checkpoint sa Libungan, Cotabato ang tatlo, habang sakay ng isang nakaw na motorsiklo.

Ayon kay Major Arnold Andaya, hepe ng Libungan municipal police, kanilang pinapatukan ang mga pulis na nagtankang pigilin sila para sa isang routine inspection kaugnay ng gun ban na ipinapatupad sa buong bansa ng Commission on Elections.

Dumiretso ang tatlo patungong Barangay Sadaan sa Midsayap at doon na sila naharang ng mga pulis na kanilang agad na pinagbabaril kaya nagka-engkwentro na nauwi sa kanilang agarang pagkamatay.

Ayon kay Sacdalan, chairman ng multi-sector Midsayap Municipal Peace and Oder Council, kanilang bibigyan ng kaukulang mga parangal ang mga pulis na nakasabat sa tatlong magnanakaw ng motorsiklo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">