Advertisers

Advertisers

Ex-bgy. captain patay sa ambush

0 11

Advertisers

Nasawi ang isang dating barangay chairman nang pagbabarilin sa Barangay Kaya-Kaya sa Datu Abdullah Sangki sa probinsya ng Maguindanao del Sur Huwebes ng hapon, March 27, 2025.

Kinilala ang biktima na si Ronald Paidumama, 54-anyos, dating barangay chairman ng Barangay Dimaampo sa naturang bayan.

Sa ulat, sakay si Paidumama ng kanyang motorsiklo, pauwi na sa kanila mula sa kung saan, nang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa isang lugar sa Barangay Kaya-Kaya sa Datu Abdullah Sangki.



Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials at ng lokal na pulisya, hindi na umabot ng buhay si Paidumama sa Maguindanao Provincial Hospital sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kay Paidumama gamit ang kanilang mga motorsiklo.
Inaantabayanan pa ang kumpletong ulat ng Datu Abdullah Sangki Municipal Police Station hinggil sa insidente.