Advertisers

Advertisers

ILANG MAYOR SA TARLAC, ISINASABIT SA ILEGAL GAMBLING

0 33

Advertisers

Largado ang mga saklaan at pergalan sa probinsya ng Tarlac partikular sa mga Bayan ng Capas, Concepcion, Paniqui, Lungsod ng Tarlac, at halos lahat ng bayan sa probinsya.

Ginagawang gatasan ng ilang Mayor ang ilang namumuhunan ng mga ilegal na pasugalan sa kanilang nasasakupan.

Pandagdag umano sa kanilang mga gastusin lalo pa ngayon nalalapit na ang midterm eleksyon.



Ginagawa naman kasosyo ng ilan gambling operator ang ilang Mayor para makatipid sa mataas na weekly payolang itinatara ng mga kapulisan mula sa Region, Provincial, Lokal maging pati ng National o Crame.

Hanep din ang diskarte ng ilang kupaling Mayor doble title na, doble kita pa!

Mga Honorable Mayor Gambling Lord kung tawagin sa kanilang mga lugar.

Ayon sa ating source kasosyo umano ng mga sugalang tulad ng sakla ang mga Mayor ng Paniqui, Concepcion, Capas at Tarlac City, na sinasabi at ipinagmamalaki umano ng isang sikat na si JoJo alyas Phyton.

Nakalagum umano ang bigayan para masdali bilangan ng mga Horrorable este honorable man ng probinsya ang mga kinikita.



Ilan lamang yan sa mga bayan na ipinagmamalaki nitong sikat na si Jojo.

Per lamesa ang bilangan at bayaran pagdating sa singilan ng payola, lagum naman ang bigayan pagdating sa mga opisyal at bigayan sa mga kilalang media personalities.

Umaabot sa (50) limangpu hanggang (80) walumpu ang bilang ng lamesa ng sakla sa isang bayan o siyudad sa probinsya ng Tarlac.

Limang libo (5k) bawat lamesa araw-araw at kung minsan ay depende pa sa pwesto ng sugalan ang singilan ng mga tarantado para sa kanilang mga opisyal na ipinagmamalaki, bukod pa ang lagayan umano para sa mga Mayor at ang pakinabang na kita bilang kasosyo.

Napaka gahaman naman kung may katotohanan ang mga ipinagmamalaking ito ni Phyton.

Umaangal tuloy ang mga peryahan nila Charlie, Ricky, Lory, Gloria dahil maging ang mga pergalan nila ay tinatarahan ng per lamesa na singil para sa kanilang weekly payola.

Limang libo din bawat lamesa kung minsan ay umaabot pa ng sampung libo hanggang labing limang libong piso ang bawat lamesa kada araw at minsan ay linggohan depende din sa pwesto at dami ng tao ang singilan.

Instant milyonare talaga itong sikat na si Jojo alyas Phyton pagnagkataon.

Nakalagum naman ang mga saklaan kay Ricky at Jerome pagdating sa bigayan.

May package deal din pala pagdating sa mga ganitong payola.

Ano kaya ang masasabi ni Provincial Director PCOL Miguel Guzman, at PNP Spokesperson at Regional Director PBGen.Jean Fajardo sa isyung ito?

Bukas ang pitak na ito para sa kanilang mga bata este para sa kanila.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com