Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PAPUNTA na sanang Amerika si Shaina Magdayao pero biglang nagbago ang desisyon niya. Kung bakit? Ito ay dahil dumating ang offer na gawin niya ang seryeng Sins of the Father na pagbibidahan ni Gerald Anderson.
Sa isa niyang interview, sabi niya “It is an answered prayer. I’ve been praying for reason to stay longer. Coz there’s an opportunity na medyo umalis na muna ng Pilipinas, and to pursue whatever it is.”
Para kay Shaina ay hindi niya dapat palampasin ang magandang kwento ng serye at ang mga kasamahan dito. “This project came. Kung ganito kaganda ‘yung project, ang hirap hindian. Pagdating sa materyal, pagdating sa mga kasama ko sa show. And also to be able to work with direk FM Reyes again,” pagbabahagi pa ng dalaga.
Sa seryeng Pamilya Sagrado huling napanood si Shaina . Aminado siyang mapili na rin siya sa pagtanggap ng mga projects.
Bukod kinanShaina at Gerald, kasama rin sa Sins of the Father sina Seth Fedelin, Francine Diaz Jessy Mendiola, JC de Vera, Joko Diaz, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles at LA Santos.
***
SA isang interview, kinumusta kay Barbie Forteza ang estado ng relasyon nila ng ka-loveteam na si David Licauco.
Sagot ni Barbie, “Mas nagiging close kami ni David ngayon. But, uh, s’yempre, parehas busy. Siya sa business n’ya, ako sa mga projects, ganyan. But yes, yes. He’s really a nice guy. He’s a good friend of mine.”
Sa tanong naman kung ano ang masasabi niya na marami ang umaasa na magkakatuluyan sila ni David, ang sabi niya,“Uh, well, siguro po ganoon ka-effective ang tandem namin na may ganoong hopes. Thank you. Thank you po sa suporta po ninyo.”
Siyempre, hindi nakaligtaang kumustahin kay Barbie ang kanyang love life. Ready na ba siya na ma-fall in love again?
“Well, I’m so happy, so happy to be in a relationship with myself right now. I’m getting to know myself more and I love that about me.
“Parang ang dami kong nadi-discover na mga bagong bagay about me. Like kaya ko palang tumakbo. Kaya ko palang maging morning person. Akalain n’yo ‘yun. I’m falling in love with myself everyday,” lahad niya.
Ang sinasabi ni Barbie na kaya niya palang tumakbo ay ang pagdya-jogging sa umaga.