Advertisers

Advertisers

SEN. IMEE: PAHAYAG NI DILG SEC. REMULLA ‘SMOKING GUN’

0 22

Advertisers

ANG lantad na pagsisiwalat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla hinggil sa isang “core group” na umano’y nagpaplano ng pag-aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte ay isa umanong malinaw na “smoking gun”, ayon kay Senadora Imee Marcos, na nagpahayag ng pangamba sa tinawag niyang “planado at labag sa Konstitusyon” na hakbang ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

“Ang pahayag ni Kalihim Jonvic Remulla ng Department of Interior and Local Government na ang umano’y planong pag-aresto ay base lang sa tsismis, ay hindi kapani-paniwala,” sabi ni Marcos sa isang press briefing nitong Huwebes.

Dagdag pa niya, hindi basta tsismis ang naturang plano, at ang di kapani-paniwalang pahayag ni Remulla ay lalong nagpapatibay sa kinatatakutan ng marami — na mayroon nang planong arestuhin si dating Pangulong Duterte kahit hindi pa nailalabas ang warrant mula sa ICC.



“Ang pagtatangkang pagtakpan ang mga lumabas na sa media at ang mga nangyari na ay indikasyon ng isang masusing planong aresto kay dating Pangulong Duterte, na nakalatag na bago pa man ang petsang nakasaad sa ICC warrant na Marso 11,” giit pa ng senadora.

Ibinunyag din ni Imee na sa kanyang paunang pagsisiyasat ay lumilitaw na nakapagpasya na ang pamahalaang Pilipino na tumulong sa International Criminal Court (ICC) sa pag-aresto kay Duterte, at nagsimula na ang paghahanda bago pa man ang Marso 11.

“Na-mobilize na ang mga yunit ng pulisya noong Marso 10 pa lamang. Si National Security Adviser Eduardo Año ay mino-monitor na ang kilos ni Duterte, at may mga opisyal ng ehekutibo na nagsabing makikipagtulungan ang administrasyon sa ICC sakaling dumaan sa Interpol ang kahilingan para sa arrest,” ayon kay Marcos.

Binatikos din niya ang pahayag ni Remulla na binabale-wala ang isyu na tila tsismis lamang, gayung ang pagsisiwalat ay nagbibi-gay ng mas malinaw na larawan ng umano’y maingat na pinagplanuhang hakbang.

Dagdag pa ni Imee, ang kanyang ikatlong natuklasan ang mas nakakabahala: “Mayroong lantad na paglabag sa mga karapatan ng dating pangulo. Walang inilabas na warrant mula sa korte sa Pilipinas.



Ang aresto ay hindi pasok sa mga eksepsiyon ng warrantless arrest. Ito ay tahasang paglabag sa mga pananggalang ng Konstitusyon para sa kalayaan at due process.”