Advertisers

Advertisers

Pagre-resign ng mga sundalo, fake news — AFP

0 11

Advertisers

MULING pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na balita na may mga sundalong nagre-resign sa kanilang hanay kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na walang katotohanan ang mga ulat na ito at mariing itinanggi na may mga nagbitiw sa serbisyo.

Aniya, kung mayroon mang gustong magbitiw sa tungkulin, hindi online ang tamang paraan para gawin ito at may proseso aniyang kailangang sundin.



Ipinunto ni Padilla na bahagi lamang ng disinformation at fake news ang mga kumakalat na balita tungkol sa diumano’y pagkadismaya ng ilang sundalo sa pamahalaan.

Dahil dito, hinikayat ng AFP ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa social media at iwasan ang pagpapakalat ng pekeng balita. (Gilbert Perdez)