Advertisers

Advertisers

CONGRESSMAN FIDEL NOGRALES, NAGBIGAY PUGAY SA ESPESYAL NA PAGDIRIWANG NG KABABAIHAN SA MONTALBAN!

0 103

Advertisers

Nagbigay pugay si 4th District Congressman Fidel Nograles sa inihanda nitong espesyal na pagdiriwang ng may limang libong (5,000) kababaihan ng Montalban Rizal.

Tinukoy ng kongresista ang hindi matatawarang mahalagang papel ng mga ito sa kasaysayan at kultura sa bayan ng Montalban.

Sa pamamagitan anya ng tulong-pinansyal sa mahigit 5,000 kababaihan, hindi lamang umano binigyang halaga ang kanilang pagiging bahagi ng ating lipunan.



Kundi ipinapakita rin umano nito ang kanyang suporta at pagkilala sa mga ambag na tagumpay ng mga kababaihan.

Ngayon anyang pagtatapos ng buwan ng kababaihan mayroon tayong pagkakataon na magbigay pugay at kilalanin ang kanilang tagumpay, sakripisyo at kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan.

Ani Cong. Nograles, sa bawat araw ng buwan, tayo ay humahakbang palapit umano sa mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa mga kwento, hangarin at laban ng mga kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Anya, ang buwan ng Marso ay hindi lamang pagdiriwang ng tagumpay ng kababaihan, kundi isang panahon din anya ng pag-alaala sa mga hamon at pagsubok na kanilang hinaharap.

Ayon pa kay Congressman Nogrsles, sa pamamagitan umano ng pagibibgay diin sa mga pangarap, saloobin at mga adhikain.



Nagbibigay anya tayo ng espasyo sa mga kababaihan para sa kanilang mga tinig at karanasan na magkaroon ng tamang pagkilala at pagpapahalaga.

Ngunit higit pa anya sa isang araw ang pagdiriwang, patuloy na pinaglalaban ni Congressman Nograles na bigyang pansin ang mga isyu at hamon na hinaharap ng mga kababaihan sa pang-araw-araw na buhay.

Mula anya sa paglaban para sa pantay na karapatan hanggang sa pagtataguyod ng kalusugan at edukasyon.

Anya, mahalaga ang pagkakaisa at pakikibaka upang matugunan ang mga pangangailangan at hangarin ng mga kababaihan.

Sa bawat pagdiriwang at pagkilala sa buwan ng kababaihan, tayo anya ay nagtutulungan upang bumuo ng isang lipunan kung saan ang lahat ay pantay-pantay at pinapahalagahan ang bawat isa.

Dagdag ng kongresista, ang pagtanggap, pagrespito at pagtutulungan ay patuloy umano nating pinapalakas ang kapangyarihan at kakayahan ng bawat kababaihan na maging tagapagtatag ng pagbabago at pagtaguyod ng katarungan at kabutihan sa ating mundo.

Sa kabuohan, higit sa walong libong (8,000) Montalbeño ang nakiisa sa espesyal na pagdiriwang sa buwan ng kababaihan.