Advertisers

Advertisers

#150 PAMILYA KO PARTYLIST, MAKAKAKUHA NG POSISYON SA KONGRESO!

0 29

Advertisers

OUT of 156 Partylist na nagnanais na makakuha ng posisyon sa kongreso, namumukod tangi ang adbokasiya ng #150 Pamilya Ko Party List.

Ito ang binigyang diin ni Pamilya Ko Party List Nominee Atty. Anel Diaz matapos na mag-ikot sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi nito na sila ang nag-iisang partylist na nagsusulong ng interes at pangangailangan ng ibat-ibang anyo ng modernong pamilyang Pilipino.



Ito ay tumutukoy sa mga pamilyang nasa kondisyon na tinatawag nilang LOVABLES na kinabibilangan ng live-in parents, OFW Parents, Victims of Domestic Abuse, adoptive Families, Blended Families Lgbtqia Families, Elderly Extended Families at Single o Solo Parents na kadalasang hindi maunawaan ng lipunan.

Sinabi pa ni Diaz, sa kanilang pag-iikot, lagi nilang binibigyang diin ang equality o pagkapantay pantay, bunsod ito ng kadalasang nararanasan ng modernong pamilya na karaniwang nakakaranas ng diskriminasyon o paglilibak ng ibang tao.

Kaya nga anya, ang lahat ng mga batas na kanilang isusulong ay nakaugat sa usapin ng pagkakapantay pantay.