Advertisers

Advertisers

KATHRYN AT DAVID MAY CHEMISTRY

0 18

Advertisers

Ni Beth Gelena

MARAMI ang nagsasabing may chemistry umano sina Kathryn Bernardo at David Licauco.

Napansin ng netizens ang dalawang celebrity nang sabay silang rumampa sa Bench Body of Work, kamakailan.



Napansin ng netizens na habang naglalakad sa Bench Body of Work fashion show na ang lakas ng dating nila in the same frame.

Sa Instagram ng Pambansang Ginoo, ibinahagi niya ang kanilang larawan kung saan may candid shot din sila na nag-uusap.

Makikita ring manghang-mangha si David sa simpleng beauty ng Kapamilya aktres.

Komento ng mga netizens, “Sana magka-movie or teleserye kayo ni Kathryn. May chemistry kayo.”

May chemistry. Kilig ako ‘pag nagtitinginan kayo ni Kath.”



Last March 2024, nagkasama na rin sa isang frame ang KathVid sa Bench Fashion Week.

Pero nito lang napagtuunan ng pansin ang dalawang celebrity.

Sey ni Licauco, happy siya na makita si Kath “as a fan” at open siyang makatrabaho ang aktres if the opportunity comes.

***

RYZA NAISIP KUNIN NG 2 BESES ANG BUHAY

BINULGAR ni Ryza Cenon na umano’y muntik na niyang kitlin ang sariling buhay ng dalawang beaes.

Sa isang panayam, hindi nagdalawang beses ang aktres na ibahagi ang pag-attempt na kitlin ang sariling buhay ng dalawang beses dahil sa struggles with depression.

Nangyari raw ang una nung 17 years old siya when she was living independently and dealing with personal problems in silence.

Aniya, ”That time po kasi as in independent lang po ako na nandoon lang ako sa bahay mag-isa… So kine-keep ko lang po sa sarili ko ang lahat hanggang sa ayun po na nagkaroon ako ng depression. May isang araw na pa-give up na po talaga ako as in suicide na po,” pag-alala ng aktres.

Para matigil ang nararamdamang depression ay tinawagan niya ang kanyang kuya para samahan siyang magdasal.

Kapag nakakita raw siya ng sign na sagot ni God, nag-promise siya, she would abandon her attempt.

Overwhelmed with her emotions, tumulo ang luha ni Ryza at nag-apologize sa kanyang kuya at kay Papa God. But years later, muling naharap ang aktres ng another dark period after niyang ipanganak si Night.

She struggled with postpartum depression, made even more difficult by the isolation of the lockdown and the absence of her partner, Miguel Antonio Cruz, who had to be away for work. Feeling daw niya ay nag-iisa siya that time, especially nang nawala ang kanyang ina nung toddler pa lang siya.

“Wala po akong parang nanay na masasandalan o mahihingan ng advice. Walang ganoon,” aniya.

“Minsan kinukuwestiyon ko rin ang sarili ko. Ang hirap labanan minsan ’yung sarili mong monster sa utak mo. Ang lakas po, masyado malakas po ’yung sa akin.”

Despite her struggles, Ryza’s courage in sharing her story sheds light on the silent battles many face and serves as a reminder of the importance of seeking help and support.

Ang passion niya sa painting at commitment as a wife and mother ay nakatutulong to get through her mental hurdles.

***

ARJO WORKING CONGRESSMAN

ANG aktor-pulitiko na si Kong. Arjo Atayde ay Working Congressman.

Unang termino pa lang ni Arjo bilang isang mambabatas, pero ang dami na niyang na-achieve sa Unang Distrito na kanyang nasasakupan.

Nagkaroon ng SODA (State of the Ditrict Address) si Kong. Arjo na ginanap sa Skydome, SM North, kamakailan.

Aksyon-Agad ang slogan ng butihing Kongresista.

Aniya, “Over 400,000 residents benefit from Aksyon Agad in QC’s first district.”

2022 nang unang manungkulan ang aktor bilang isang public servant.

Aniya, “Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan.”

Dinetalye niya ang impact ng kanyang office initiatives sa employment, education, health, youth development, disaster response, and infrastructure.

Aniya, “projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat.”

Inisa-isa niya sa SODA ang.kanyang mga na-accomplish.

Lahad ni Kong. Atayde, “sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo.”

Sa pagsasara ng kanyang SODA, pinasalamatan ni Arjo ang misis na si Maine Mendoza, pati ang buong family niya sa suportang binibigay ng mga ito sa kanya.

“Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin… Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down.