Rosanna Roces Concentrated Sa Trabaho At Gustong Magpayaman Ulit Para Sa Pamilya; Presidente at CEO Ng ISkin Na Si Ma’am Kate Pagkalinawan Binigyan Ng Parangal Sa SILK AWARDS
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
SINCE buksan ni Direk Ruel S. Bayani ang pintuan ng ABS-CBN kay Rosanna Roces at bigyan ng proyekto ang iconic actress, naging non-stop na ang project ni Osang sa unit ni Direk Ruel at Dreamscape Entertainment na ngayon ay napapanood siya sa “Batang Quiapo” bilang si Boss Divina.
At dahil talaga namang mahusay sa kanyang larangan ay naging in-demand din sa movies ang Kapamilya actress at nakalimang pelikula siya. Kasama siya sa most controversial film na The Rapists of Pepsi Paloma as Divina Valencia, Ikalawang Ina at Ikatatlong Ina Mo both directed by her awarded director friend Neil “Buboy” Tan. At balik GMA si Osang for their movie, “Penthouse 77” at co-stars niya sa film sina Barbie Forteza, Famas Best Child Actor Euween Mikaell, Gina Pareño and many more. Produced ito ng GMA Pictures and Clever Minds, Inc at si Derick Cabrido ang director ng Penthouse 77. Yung Isa pang movie ng mahusay na actress na “Abner” ni Enzo Pineda ay naipalabas na sa mga sinehan. Basta ang laging sinasabi ni Osang, trabaho ang kanyang priority, dahil gusto niyang magpayaman uli para sa kanyang pamilya.
Apat sa mga taong gusto niyang pasalamatan sa muling pagbuhay ng career sa showbiz na bumalik ang kumpiyansa sa sarili at respeto sa kanya ng mga tao ay sina Direk Ruel S. Bayani, the late Sir Deo Endrinal, Coco Martin at ang ABS-CBN. “Pare-parehong malaki ang utang na loob ko sa kanila. At nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. Hindi ko sila bibiguin sa tiwala at suportang ibinibigay nila sa akin. At higit sa lahat sa Diyos, na lahat ng mga hiniling ko ay ibinigay Niya, at sobra-sobra pa sa mga ipinagdasal ko sa Kanya,” sey pa ni Osang, nang amin siyang maka-chat. Kapag wala pa lang taping sa BQ ay nasa farm niya si Osang at ineenjoy ang sariwang hangin at iba’t ibang tanim at alagang mga hayop.
Aliw na aliw rin ito sa alagang si Lebron, the cute pig sa kanyang townhouse. Aba’y maganda rin ang samahan ni Osang at panganay na si Grace at pinag-aaral nito ang daughter ng anak na si Maha na manang-mana sa ganda niya at pasado ring maging artista like her lola Osang. Ano pa ba ang hihilingin ng kaibigan naming actress, e kumpleto na siya.
***
LAST March 6 ay kasama ang pretty President at CEO ng ISkin Aesthetic Lifestyle na si Ma’am Kate Pagkalinawan na owner din ng ISkin CAFE sa mga binigyan ng parangal ng SILK AWARDS ng Skin Medicine Incorporated. Tinanggap ni Ma’am Kate ang Center of Excellence Award for ULTRA V THREAD AESTHETIC And MEDICAL AESTHETICS.
And this recognition reflects the dedication of ISkin to innovation expertise and delivering world-class aesthetic treatments. Sa ngayon ay isa ang ISkin sa pinagkakatiwalaan ng mga sikat nating celebrities sa kanilang face and skin na lalo nilang ikinaganda at gwapo. Parehong tinanggap ni Ma’am Kate at head ng kanyang ISkin’s Aesthetic Physician na si Dr. Judi Anne Javier ang nasabing award. Tatanggap din ng award si Ma’am Kate mula sa ICON Of CHANGE AWARDS 2025. Ipagkakaloob sa kanya ang Aesthetic Wellness Innovator of the Year.
“I am deeply honored to receive the Icon Change Award. Thank you for this recognition-it inspires me to continue striving for meaningful impact and positive change.” Thank you, post pa ni Ma’am Kate na diyosa ng kagandahan!