Advertisers

Advertisers

NBI, IntePol tutugisin ang fake news spreaders

0 3,592

Advertisers

INANUNSYO ng National Bureau of Investigation (NBI) na bukas silang makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) upang kasuhan ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng balita.

Sa report ng ANC 24/7 nitong Lunes, Marso 24, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na kahit ang mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa na pinagmumulan ng fake news balita ay maaari nang madakip sa tulong ng Interpol. Ayos!!!

“Lalo pa’t ‘yong vlogger e US citizen. How can we enforce our law do’n sa citizen nila at hindi naman ‘yon ang umiiral na batas sa kanila? So, tinitingnan namin lahat,” diin ng retiradong hukom at dating Police officer na Santiago.



Dagdag pa ni Santiago: “Nag-usap-usap na kami kung paano namin masawata itong mga fake news spreader, mga vloggers na nagbibigay ng fake news, saka ‘yong creators na makapag-create lang kahit hindi tama ‘yong ginagawa nila.”

Bukod sa NBI, inihayag din ng Department of Justice (DOJ) ang planong magkasa ng mas malalim na imbestigasyon upang matumbok ang utak sa likod ng mga kumakalat na fake news.

Naging talamak ang fake news simula nang maaresto ng Intepol si dating pangulo Rody Duterte, na ngayo’y nakakulong sa International Criminal Court (ICC) facility sa The Hague, Netherlands, kaugnay ng kinakaharap na kasong ‘Crimes against humanity’ na nag-ugat sa pagpaslang ng libo-libong indibidwal sa kanyang ‘war on drugs’ noong presidente ito at noong alkalde siya ng Davao City, sinasabing nagtatag ito ng Davao Death Squad (DDS) para itumba ang mga “kriminal” at kalaban sa politika.

Sinimulan na nga ng NBI ang pagsasampa ng kaso sa mga vlogger na nagkakalat ng mga pekeng balita laban kay pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Ginisa narin sa kongreso ang mga kilalang vlogger na nagpapakalat ng fake news.



Misyon ngayon ng gobierno, tugisin at ikulong ang mga nagpapakalat ng fake news. Tama lang!!!

***

Nanawagan ang grupo ng OFWs na supporters ni Digong Duterte sa kapwa nila overseas Filipino workers na huwag magpadala sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas. “Zero remmitance” daw hangga’t hindi ibinabalik sa Pilipinas ang kanilang mahal na “Tatay Digong”.

‘Pag ginawa ito ng OFWs, ang kanilang pamilya rin sa Pilipinas ang mahihirapan lalo kung may mga pinaaaral itong mga anak o may kaanak na may sakit.

Hindi dapat pakinggan ng OFWs ang grupong ito ni Duterte. Ginagamit lang silang rason para mapakawalan ang “Tatay Digong” nilang nagpakitil ng maraming inosenteng buhay para lamang magpasikat.

Si Duterte ay dapat managot sa maraming buhay na kanyang inutang. Dapat mabigyan ng hustisya ang mga inosenteng buhay na kanyang tinapos. Mismo!

***

Uulitin ko. Peke ang ‘war on drugs’ ng nakaraang Duterte administration.

Peke rin ang kanyang kampanya laban sa korapsyon.

Bakit ko nasabi ito? Kung tunay ang war on drugs noon ni Duterte, dili sana’y tinapos niya ang sinasabing drug lords na sina Sammy Uy, Charlie Tan, Michael Yang, Allan Lim at Peter Lim na pawang “kumpare’ niya!, na labas-pasok lang noon sa Malakanyang.

Kung tunay ang kampanya ni Duterte laban sa korapsyon, dili sana nabaon sa utang ang Pilipinas. Mismo!

Dapat lang niyang pagbayaran ang lahat ng kanyang kademonyohan! Period!!!