Advertisers

Advertisers

Konsehal kinansela COC ng Comelec, pwedeng mangampanya!

0 4

Advertisers

Maari pang mangampanya at tumakbo ang isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng ikalawang distrito ng lungsod ng Maynila kasunod ng naging desisyon ng Comelec second division sa pagkansela sa kanyang Cerificate of Candidacy (COC) para sa midterm elections sa Mayo 12.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia ang kaso ng respondent/aspirant na si Con. Darwin Sia ay ‘subject pa for motion for reconsideration’ (MR).

Nang tanungin si Garcia kung maari pang mangampanya at tumakbo si Sia, ‘oo’ ang naging sagot ng poll chief.



Sa desisyon kasi ng Comelec second Division, nakasaad na tinanggihan o kinansela ang COC ni Sia.

Sa panig naman ni Sia, sinabi ng konsehal na naghain na ng MR ang kanyang abogado sa Comelec.

“Nag-file na attorney ko MR -tapos na term ko hindi pa tapos yang reklamo nila – paninira lang yan”, ayon sa text message ni Sia.

Ayon kay Sia, tapos na ang kanyang termino pero tila hindi pa tapos ang reklamo laban sa kanya na pinaniniwalaang isa lamang itong paninira.

Napag-alaman na inihain ang reklamo laban kay Sia noong nanunungkulan siya pa lamang bilang chairman ng barangay ilang taon na ang nakalilipas dahil sa umanoy pagnanakaw ng kuryente.



Ngunit ayon kay Sia, 2014 pa at barangay hall ang isyu at hindi naman sa kanya ang gamit pero bilang siya ang Barangay chairman inako niya ang isyu.

Nakakapagtaka lamang aniya dahil nakailang termino na siya sa pagkakonsehal hindi naman na ito naging isyu.

Naniniwala si Sia na pulitika ang nasa likod nito kaya kinalkal ang natapos ng isyu para lamang sirain ang kanyang pagkatao dahil siya lamang umano ang incumbent na hindi sumama sa tiket ng kalaban.(Jocelyn Domenden)