Advertisers

Advertisers

ELECTION OFFICER AT MISTER PATAY SA AMBUSH

0 10

Advertisers

NASAWI ang election officer ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte at mister nito nang tambangan sa bahagi ng Diatu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Miyerkules ng umaga, March 26, 2025.

Kinilala ang mga nasawi na sina Datu Odin Sinsuat Election Officer Maceda Abo at mister na si Jojo Abo.

Kinumpirma ni MND Provincial Election Supervisor Atty. Nabil Mutia ang insidente.



Sa ulat, papunta sa Poblacion Dalican Election Office ng bayan ang mag-asawa na sakay ng kanilng SUV nang tambangan.

Sa report, agad nasawi ang driver na mister ni Maceda sa lugar ng insidente. Binawian naman ng buhay sa pagamutan ang ellection officer.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

Ayon kay Atty. Mutia, nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad upang mabigyan ng angkop na tulong ang mag-asawa at kanilang pamilya.

Tumanggi naman ang mga opisyal na magbigay ng iba pang sensetibong impormasyon habang nagpapatuloy ang pagtugis sa mga salarin.



Samantala, ipinasasailalim sa COMELEC control ang Datu Odin Sinsuat kasunod ng pananambang na ito sa mag-asawa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, irerekomenda niya sa Comelec en banc na ipasailalim sa Comelec control ang nasabing bayan dahil sa usapin ng seguridad.

Giit ni Garcia, hindi na sila papayag na masundan pa ang nasabing karahasan .
Ito ang ika-apat na pag-atake sa mga lokal na opisyal ng Comelec, kungsaan ang nakaligtas lamang ay ang Provincial Election Supervisor ng Sulu. (Mark Obleada/Jocelyn Domenden)