Advertisers

Advertisers

Tinyente, binoga ng dyowang patrolwoman

0 13

Advertisers

MALUBHANG nasugatan ang 50-anyos na police lieutenant nang barilin ng ilang beses ng ka-live-in na pulis sa kalagitnaan ng kanilang away sa Barangay Sinawal, General Santos City, Lunes ng gabi, March 24, 2025.

Kinilala ang biktima na si Lt. Joseph Miasan Denaga, kasapi ng isang unit ng Police Regional Office-12.

Kinumpirma nitong Martes ng mga opisyal ng General Santos City Police Office na nagtamo ng maselang tama ng bala sa katawan si Denaga.



Kusang loob namang nagpaaresto sa mga pulis na nagresponde sa insidente si Patrolwoman Kamille Kaye Daliva Asuncion, ang kinakasama ni Denaga na nakabaril sa kanya ng ilang beses.

Ayon sa kanilang mga kapitbahay, unang narinig na nagtatalo ang dalawa hinggil sa inirereklamo ni Asuncion kay Denaga na pambu-bully sa kanya ng mga kapwa pulis bago umalingawngaw ang ilang putok sa kanilang kinaroroonan.

Ayon sa mga imbestigador at barangay officials na nag-imbistiga sa pangyayari, matindi ang sagutan nilang dalawa bago kinuha ni Asuncion ang kanyang service pistol at pinaputukan ng ilang beses ang mister.

Nahaharap ang misis sa kasong ‘frustrated homicide’.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">