Advertisers
IPINAG-UTOS ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapaalis sa puwesto sa pitong indibidwal na sangkot sa illegal na aktibidades.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na bahagi ang pagpapatanggal sa kanila ng kautusan ni President Ferdinand Marcos, Jr. na walisin ang korapsyon at patatagin ang border security.
Isasailalim sa imbestigasyon ang mga inalis sa puwesto na naka-assign sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3 kasunod ng ulat na isinasangkot sila sa illegal na pagpapaalis sa isang trafficking victims na pinababalik March 25.
Kung mapataunayan na tinulungan nila ang mga biktima, mahaharap ang nasabing mga empleyaado sa kaso sa Department of Justice(DoJ).
Dumating ang mga biktima sa Manila sakay ng Philippine Airlines flight galing Bangkok, Thailand nang ma-rescue ng pamahalaan mula sa online scamming syndicates sa Myanmar.(Jocelyn Domenden)