Advertisers
NAPANATILI ng Far Eastern University ang kanilang impresibong palabas sa UAAP Season 87 rapid chess tournament para matiyak ang top playoff seeds sa 3 division sa Adamson Gym.
Oscar Cantela (Board 2) at Franklin Andes (Board 3) umiskor ng tig-four points sa boys division,habang si Lyn Getubig (Board 3) ay nanateling undefeated sa apat na laban para ilagay ang FEU-Diliman sa tuktuk ng girls division.
Sa men’s division, FIDE Master Mark Bacojo nakakalap ng 4,5 points matapos ang five rounds at walisin ng Tamaraws ang elimination round na may limang sunod-sunod na tagumpay.
Angele Biete (Board 2) kumita ng four points matapos ang five rounds para sa De La Salle University, na makakaharap ang defending standard event champion University of Santo Tomas sa semifinals.
University of the Philippines nakuha ang semifinal berth sa kabila ng 3 magkasunod na talo sa araw na iyon.
Makakatagpo ng Fighting Maroons ang top-seeded Tamaraws para sa spot sa gold medal series.
Sa the women’s division, Ateneo de Manila University at De La Salle University nagrehistro ng crucial wins para maabot ang semifinal round.
Samantala, makakalaban ng FEU ang UST para sa championship sa boys’ at girls’ division sa Marso 29.