Advertisers

Advertisers

Yilmaz balak muling pakasalan si Ruffa

0 5

Advertisers

Ni Beth Gelena

IBINAHAGI ni Sunshine Cruz na siya ay na-diagnose na may autoimmune disease na myasthenia gravis.

Ang nasabing sakit ay nahirapan siyang magbuo ng muscles ngunit nagpapasalamat sa lakas na natagpuan niya.



Nagpasalamat siya kay Ben Chan ng Bench sa pagtupad ng kanyang pangarap na maglakad sa Bench fashion show.

Hinikayat ni Sunshine ang mga kapwa ina at Gen Xers na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap

Ibinahagi niya ang pinagdaanang pagsubok matapos ma-diagnose ng autoimmune disease na myasthenia gravis, isang kondisyon na nagdudulot ng panghihina ng kalamnan.

Sa isang post niya sa Instagram, sinabi ni Sunshine na naging mahirap para sa kanya ang pagbuo ng muscles dahil sa sakit na ito.

“It’s been a real roller coaster these past months. I was diagnosed with an autoimmune disease called myasthenia gravis which has made building muscle a real struggle. But I’m so thankful for the strength I’ve found.”



Pinasalamatan din niya si Ben Chan na tumulong sa kanya sa pagharap sa kanyang kondisyon. “Walking for Bench was a powerful reminder of what’s possible even when things are tough. To all my fellow moms and Gen Xers, never give up on your dreams,” dagdag pa niya.

Ayon sa aktres, ang paglahok sa Bench fashion show ay nagbigay sa kanya ng inspirasyon na kahit mahirap ang sitwasyon, posible pa ring maabot ang mga pangarap. “Thank you Sir @bcbench for making mine a reality. I’m so honored to be part of the Bench family,” aniya.

***

NAGBAHAGI si Ruffa Gutierrez ng mensahe na nagsasabing ang nakaraan ay lugar para matuto – Kinumpirma ni Yilmaz Bektas na balak niyang bumisita sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Naibahagi ni Ruffa na plano umano ni Yilmaz na muling mag-propose at pakasalan siya. Masaya si Ruffa na maayos na ang relasyon nila ngayon para sa kapakanan ng kanilang mga anak. Nagbahagi si Ruffa ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram kamakailan. Ayon sa aktres, “The past is a place to learn from, not to live in.” Marami ang naka-relate sa kanyang pahayag na tila paalala na ang mga pinagdaanang karanasan ay dapat maging aral sa halip na maging hadlang sa pag-usad ng buhay. Samantala, kinumpirma naman ng Turkish businessman na si Yilmaz Bektas ang balitang bibisita siya sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories. “I would like to say, yes, these news are true. I will be visiting the Philippines soon,” ani Yilmaz sa kanyang maikling pahayag.

Nauna nang isiniwalat ni Ruffa na plano umano ni Yilmaz na mag-propose at muling pakasalan siya.

“He couldn’t find someone like me and kept searching all over the world. In fact, he wanted to propose and marry me again. I initially thought he was joking,” pagbabahagi ni Ruffa. Nagbiro pa ang aktres na inisip niyang baka may ibang plano si Yilmaz nang imbitahan siyang mag-train tour sa buong Europe. “Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to or baka he’s planning my murder on the plane or train,’” pabirong saad ni Ruffa.

Sa kabila ng kanilang hiwalayan noong 2007 matapos ang apat na taong pagsasama, masaya si Ruffa na maayos na ang kanilang relasyon ngayon.

“We’re best friends now… kahit saan umikot si Yilmaz sa mundo, iisa lang ang Ruffa at alam niya ‘yun,” ani Ruffa. Dagdag pa niya, nananatili ang kanyang hangarin na maging matagumpay si Yilmaz dahil ang tagumpay nito ay tagumpay rin ng kanilang mga anak.

***

Mga icon broadcaat/journalist nagtagpo sa 385h PMPC Star Awards for TV

KABAYAN NOLI, JULIUS AT KORINA NAG- REUNION SA MAKASAYSAYANG DOLPHY THEATER

TAGUMPAY ang 38th Star Awards for TV na ginanap sa.Dolphy Theater, kamakailan.

Tila reunion para sa tatlong mahuhusay na journalist/broadcaster na sina Noli de Castro, bilang Best Male News Host para sa TV Patrol, Korina Sanchez, Best Female News Host.para sa Agenda at Julius Babao na tumanggap naman ng Lifetime Achievement Award for Excellence in Broadcasting.

Ang tatlo ay dating magkakasama sa TV Patrol.

Si Coco Martin, talagang napaka-gentleman na actor.

Hindi nakaligtas sa aming paningin na everytime may mananalong winner na dumaraan sa kanyang harapan ay tumatayo ito at nagbibigay-pugay.

Naloka naman kami nang malaman naming partner pala si Alden Richards ng kanyang Production, ang Myriad Entertainment ng Airtime Marketing ni Tess Celestino.

O di ba napaka-humble ng aktor.

Si Gladys Reyes, ang Best Actress for Single Performance ay lumabas ang pagka-funny dahil tila naiinip na sa haba ng event dahil maraming categories ang Star Awards for TV.

Worth naman ang paghihintay ng aktres dabil isa sa major awads ang kanyang nasungkit.

Nakapanghihinayang naman na wala ang GMA bosses para personal na tanggapin ang tropeo para sa kanilang Best Station Network.

Si Alden ang tumanggap ng trophy in behalf on his home studio.

Sina Kim, Alden at Papa P ang nagsilbing host nung Gabi ng Parangal na dinirehe ng dating aktor na si Eric Quizon.

Nakatutuwang pagmasdan nang magkawayan sina Coco, Alden at Papa P.

Naroroon ang Primetime King ng Teleserye dahil winner ang kanilang FPJs Batang Quiapo bilang Best Primetime Teleserye.

Naisip namin, “bakit kaya hindi gumawa ng pelikula ang tatlong gwapong acror na ito?

Ang ganda ng acceptance ni Coco nang mapasakamay na nila ang tropeo.

Buong puso siyang nagpapasalamat kasama ang buo niyang staff para mapaganda ang kanilang programa.

Hindi rin niya nakalimutang banggitin si Sir Deo Endrinal (RIP) na naging instrumento kaya niya nagawa ang BQ.

Maging ang GMA ay kasama sa kanyang pinasalamatan, dahil sa pagtanggap daw ng mga ito sa mga kasamahan niyang kapwa-artista na nawalan ng trabaho noong nawalan ng prangkisa ang Kapamilya Network.