Advertisers
NAGHAIN nitong Martes sa Senado ang house prosecutors panel ng entry with motion to issue summons kung saan hinihiling sa Senate President na magsisilbing presiding officer sa Impeachment court na maglabas ng summons kay Vice President Sara Duterte.
Layon ng Motion to issue summons ay para obligahin si VP Sara na sagutin ang mga reklamo laban sa kaniya partikular ang articles of impeachment.
Pinangunahan nina Minority Leader Rep. Marcelino Libanan at Rep. Rodge Gutierrez ang paghain ng mosyon na mga miyembro ng 11-man prosecution panel.
Ang nasabing mosyon ay tinanggap ng Senado nitong Martes ng umaga.
Sinamahan sila nina Rep. Paolo Ortega at Rep. Jay Khonghun.
Si Libanan ay otorisado na lumagda sa lahat ng mga pleading on behalf sa lahat ng mga public prosecutor’s ng House of Representatives.
“We filed a motion for entry with motion to issue summons sa Senado. Ito po ay tungkol sa pag-file ng House ng impeachment noong February 5 laban sa ating Vice President Sara Duterte. At pinirmahin po namin ito noong March 14 na entry with motion to issue summons. Pero hindi namin kaagad na-file dahil ang tingin po namin ay break nila,” sinabi ni Libanan.
Binigyang-diin ni Libanan na mahalaga ang pag-isyu ng mosyon kay VP Sara.
Inimpeach ng Kamara si VP Sara noong Pebrero 5 at inihain ang Articles of Impeachment sa Senado sa kaparehong araw.
Nasa 215 kongresista ang lumagda sa impeachment complaint, lagpas sa kinakailangang 102 o one-third ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara.
Kumpiyansa ang mga miyembro ng House prosecution panel na dapat agad na dinggin ng Senado ang impeachment case.
Subalit ayon kay Escudero ang aktwal na paglilitis ay mangyayari pagkatapos pa ng State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.