Advertisers

Advertisers

Sen. Bato pinalulutang ng Malakanyang

0 9

Advertisers

HINIKAYAT ng Malakanyang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na lumutang o magpakita na sa publiko.

Ginawa ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang pahayag matapos isiniwalat ni dela Rosa na tinanggalan siya ng security detail ng Philippine National Police (PNP).

“Nasaan po ba kasi si Senator Bato? Nakikita po ba natin? Hindi ko po alam, sorry po. As of the moment, hindi ko po siya nakikita. So, paano po natin siya mabibigyan ng seguridad kung hindi po siya nagpapakita?” tanong ni Castro.



Una nang sinabi ni dela Rosa na nang bumalik siya mula sa isang lugar ay inalisan na siya ng security detail ng PNP at sinasabing pinabalik ito sa kani-kanilang mother units.

Subalit sinabi ni Castro na hindi naman maaaring tumambay na lamang ang mga bantay ng senador habang wala ito.

Dagdag pa ng opisyal, kung nagpapakita naman nang personal si dela Rosa ay marahil hindi niya mararanasan ang nasabing problema. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)