Advertisers
Ang lahat ng uri ng saranggola, drone, balloon, kalapati at iba pang airborne object ay ipinagbabawal na sa loob ng 10-kilometer radius ng Tuguegarao City Airport matapos maipasa ng Local Government Units (LGU) Sanguniang Panglunsod ang ordinansa na nagre-regulate ng mga aktibidad sa paglipad dahil ang mga lalabag ay pagmumultahin mula P1,000 hanggang P5,000 depende sa bilang.
Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay nagpapahayag ng kanilang matinding pasasalamat sa LGU ng Tuguegarao para sa pagsisikap nitong magtulungan at magpatibay ng isang ordinansa na nagre-regulate ng mga aktibidad sa paglipad sa loob ng paligid ng Tuguegarao Airport.
Sinabi ni CAAP spokesman Eric Apolonio na ang ordinansa ay pinagtibay noong Marso 19, 2025, ng Sangguniang Panlungsod ng Tuguegarao City, ang ordinansa ay tumutugon sa mga alalahanin kaugnay sa pagpapalipad ng saranggola, karera ng kalapati, drone operations, at pagpapalabas ng mga lobo sa mga karatig-barangay malapit sa paliparan.
Kinikilala ng CAAP, sa pamamagitan ni Area Manager Mary Sulyn Sagorsor ng Area Center II, ang kahalagahan ng ordinansa sa pagpapanatili ng ligtas na flight operations sa loob ng airspace ng Tuguegarao. (JOJO SADIWA)