Higit P7K babayaran ng bawat Manileño sa loob ng 20 taon para bayaran ang P17.8 B na inutang ni Isko

Advertisers
ANG bawat isang Manileño ay kailangan magbayad ng mahigit P7,000 kada buwan sa loob ng 20 taon para bayaran ang P17.8 billion utang na iniwan ni ex-Mayor Isko Moreno.
Ito ang siyang ibinunyag ni Atty. Princess Abante, spokesperson ni Mayor Honey Lacuna at hepe ng Manila Public Information Office (MPIO) nang maging panauhin siya ‘MACHRA Balitaan,” isang news forum na buwanang ginagawa ng Manila City Hall Reporters’ Association at ginaganap sa Harbour View Restaurant. Ibinunyag din ni Abante na ang pamahalaang lungsod ay kailangang maglaan ng P2 billion kada tao para mabayaran ang utang sa dalawang bangko.
Ipinaliwanag din ni Abante na kahit noong Vice Mayor pa si Lacuna kung kailan ginawa ni Moreno ang pangungutang, tanf kanyang katungkulan bilang Presiding Officer of the Manila City Council (MCC), ay para ilahad lang ang desisyon ng mayorya at ito ay noong magdesisyon silang bigyan ng kapangyarihan si Isko na gawin ang pangungutang . Iginiit pa ni Abante na di nga pinapayagang bumoto si Lacuna maliban na lamang kapag nagkaroon ng tie.
Nabatid kay Abante, na ang lungsod ay mayroong P25 billion credit line pero ang nasabing halaga ay dapat na gugulin sa susunod na siyam na taon. Idinagdag pa niya na sa kaso ng dating administrasyon, ang P17.8 billion ay ginastos lamang sa loob ng dalawa at kalahating taon.
Ipinahayag din ni Abante na noong binigyan ng MCC si Isko ng awtoridad para makautang , Wala silang kaalam-alam na may plano pala itong tumakbong pangulo ng bansa dahil ang pinanghahawakan nila ay ang deklarasyon nito na ‘di niya Iwan ang Maynila.
Kaya nang matalo si Isko, sinabi ni Abante na naiwan may Lacuna ang mga proyekto nito at tinapos din ng lady mayor ang mga proyekto kabilang na ang pagkukunpuni ng mga depekto nito, habang magbabayad ng utang na iniwan ni Isko nang wala man lamang paliwanag.
Binigyan ng komendasyon ni Abante si Lacuna, dahil aniya nagagawa nitong magpatupad pa ng social programs sa kabila ng paghihigpit ng sinturon dahil sa pagkakabaon sa utang at nagagawa ang mga programa nang hindi kailangang mangutang.
Kabilang sa mga ipinatupad ni Lacuna ay ang pagdoble ng senior citizens’ allowance mula P500 hanggang P1,000 kada buwan at gayundin ang pagbibigay ng P2,000 graduation gift sa mga graduating students mula Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila, habang patuloy na nagkakaloob ng pangunahing social services sa mga komunidad, ang lahat ay dahil sa pagiging mahusay na fiscal management na dahilan para matamo ang Seal of Good Local Governance (SGLG), na siyang kaunahan sa kasaysayan ng Maynila.Ang lungsod ay mayroon na ring monthly allowances na nakalaan para sa minors with disability. Ito ay maliban pa sa regular na tumatanggap na allowance ng mga persons with disablity (PWDs).
Bilang panghuli ay sinabi ni Abante na sa kabila ng budgetary constraints dahil sa utang na iniwan ni Isko ay, walang planong mangutang at ipagpatuloy ang epektibong paghawak ng kaban ng bayan na siyang dahilan para mailunsad niya ang mga programang para sa kapakanan ng mga Manileño. (ANDI GARCIA)